Cristy Fermin, inaming napahagulhol sa kalagayan ng National Artist na si Nora Aunor

Cristy Fermin, inaming napahagulhol sa kalagayan ng National Artist na si Nora Aunor

- Naikwento ni Cristy Fermin na siya umano'y napahagulhol nang malaman ang kalagayan ng ni Nora Aunor

- Hindi umano ito pinayagan ng kanyang mga doktor na lumabas sa ospital para tanggapin ang kanyang National Artist Award

- Ang kanyang mga anak na sina Matet at Ian de Leon ang tumanggap ng kanyang award sa dapat na paggawad sa kanya

- Dahil dito, nabanggit din ni Cristy na hindi lamang si Kris Aquino ang nangangailangan ng pangalagin kundi maging ang nag-iisang Superstar

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng update si Cristy Fermin kaugnay kay Nora Aunor na kamakailan ay tinanghal bilang National Artist ng Pilipinas.

Cristy Fermin, inaming napahagulhol sa kalagayan ng National Artist na si Nora Aunor
Photo from Nora Aunor National Artist
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi umano mismo si "Ate Guy" ang nakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte para tanggapin ang award.

Ayon kay Cristy, hindi na raw pinayagan pa ang Superstar ng kanyang mga doktor na lumabas sa ospital para personal na tanggapin ang prestihiyosong parangal.

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersyal na mga larawan ni Jeric Gonzales; "'Di raw indie film 'yun"

Ito ay sa kabila ng mga paghahanda na ginawa ni Ate Guy para sa nasabing okasyon.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

"May sakit naman si Nora Aunor. Hindi naman niya kaya. Pinaghandaan niya 'to, sabi nga ng mga anak niya nagpagupit pa raw ng buhok. Matagal na niyang pinaghandaan ang pinakamtaas na antas ng parangal sa kahit sinong artista," ani ni Cristy.

"Nagpagawa pa raw ng damit, pero pagdating 'nung awarding, hindi niya kakayanin. Sabi, ayaw payagan ng mga doktor niya si Nora Aunor na umalis at lumabas ng ospital," dagdag pa ni Cristy.

Sinasabing hindi raw makahinga ng maayos ang Superstar dahilan para siya manatili sa pagamutan.

At nang malaman umano ni Cristy ang kalagayan ng nag-iisang 'Superstar, inamin nitong napahagulhol naman siya.

"Kaya 'nung nalaman ko na hindi siya nakakahinga ng maayos, lagi siyang naka-oxygen, hanggang sa dalhin na sa ospital at binabantayan na, parang ang lakas-lakas ng suntok sa puso ko talaga," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin sa nababalita umanong buntis si Julia Montes; "Aminin kung totoo"

Narito ang kabuuan ng chikahan nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio mula sa YouTube channel nilang "Showbiz Now Na!":

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel