Angelica Yap, sinabing mas pinipili nila ni Flow G. na laging ayusin ang problema

Angelica Yap, sinabing mas pinipili nila ni Flow G. na laging ayusin ang problema

- Ayon kay Angelica Jane Yap, ayaw niyang maglabas ng mga pribadong problema nila ng partner niyang si Flow G. sa social media

- Naniniwala umano siyang ang kasiraan ng kanyang partner ay kasiraan niya din kaya mas pinipili nilang maging pribado sa kanilang problema

- Aniya, mas pinipili nilang dalawa na magpatawad at laging ayusin ang kanilang problema

- Matatandaang kamakailan ay may nilabas na mga screenshot ang content creator na si MG na nagpapakita ng conversation umano ni Flow G. sa kanyang P.A.

Naniniwala umano si Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl' na ang kasiraan ni Flow G. ay kasiraan niya rin kaya hangga't maari ay pribado nilang inaayos ang kanilang problema. Matatandaang kamakailan ay may nilabas na mga screenshot ang content creator na si MG na nagpapakita ng conversation umano ni Flow G. sa kanyang P.A.

Read also

MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel

Angelica Yap, sinabing mas pinipili nila ni Flow G. na laging ayusin ang problema
Angelica Yap, sinabing mas pinipili nila ni Flow G. na laging ayusin ang problema (@angelicajaneyap)
Source: Instagram

Masaya naman umano sila at naayos nila ang kanilang problema. Dahil team umano sila, lagi silang magdadamayan.

Hindi umano sapat ang problema para sukuan nila ang isa't-isa. Dagdag pa niya, hindi siya magsasalita ng tapos dahil hindi niya alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa hinaharap.

Gayunpaman, alam niya umanong nagmamahalan sila ni Flow G. at hangga't kaya nilang piliin yung isa't-isa ay iyon umano ang gagawin nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Inamin naman ni Angelica na nasasaktan siya sa mga pang-ba-bash at pambabatikos ng mga fans ng AlDub. Isa si Angelica sa kasalukuyan sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 3 milyon ang subscribers. Kamakailan ay pinakita nito ang bagong bahay na tinitirahan nila ng kanyang boyfriend na si Flow G. ng Ex-Battalion.

Naging usap-usapan ang content creator na si MG matapos nitong ilabas ang isang video kung saan inalamahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel