Lorma College, nagsalita na ukol sa graduating student na umano'y di pinaakyat ng stage
- Nagbigay pahayag na ang paaralan ng nag-viral na nursing graduate na umano'y hindi pinaakyat ng entablado
- Matatandaang nag-viral ang video niya matapos ikwentong hindi niya nakuha ang diploma sa dapat sana'y pag-akyat niya ng entablado
- Nalungkot estudyante hindi dahil sa hindi siya umakyat sa stage ng graduation kundi ang sa reaksyon ng ina sa nangyari
- Ayon sa Lorma Colleges, iimbestigahan nila umano ang nangyari sa insidente
Nagbigay na ng pahayag ang Lorma Colleges kaugnay sa viral video ng estudyante nilang hindi nakaakyat umano ng entablado sa kanilang graduation.
Nalaman ng KAMI na nangyari ito noong Hunyo 23 kung saan inalis sa pila ng mga tatanggap ng diploma sa entablado si John Marcelino Rosaldo.
Aniya, ito raw ay dahil sa hindi agad nakumpirma ang kanyang graduation fee na nabayaran naman, isang araw bago seremonya.
"We are deeply concerned and saddened by what transpired during the recent graduation ceremony," panimula ng pahayag.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon din sa pahayag ng paaralan, sinusubukan nilang makipag-ugnayan sa pamilya ng estudyante at iniimbestigahan na nila ang naturang insidente.
"Our formal statement will be released as soon as possible.We thank you for your continued trust," pahayag ni Dr. Carol Lynn R. Macagba, President, LORMA Colleges.
Narito ang kabuuan ng pahayag:
Ang kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo ang umano'y naglabas ng hinaing ukol sa nangyari.
Sa kanyang TikTok video, ipinakita ang kapatid na naglabas umano ng saloobin sa pag-aalis umano rito sa pila nang papaakyat na umano sila sa entablado para tanggapin ang diploma.
Ayon sa PEP, ginanap ito noong Hunyo 23. May caption ang post ni Celene na: "Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di na-confirm payment mo sa grad fee.”
Sa ulat ng Bandera, sinabing isang araw bago ang graduation ay nakapagbayad naman umano si John Marcelino ng kanyang graduation fees. Subalit hindi raw ito na-confirm agad dahilan upang mangyari ang hindi nito pag-akyat sa entablado.
"Ang pinaka-masakit po dun ay yung hitsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma," ayon kay Celene sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin.
Source: KAMI.com.gh