Pinay na ilang taong 'di nakauwi, halos di bitawan ng ina nang siya'y muling mayakap

Pinay na ilang taong 'di nakauwi, halos di bitawan ng ina nang siya'y muling mayakap

- Viral ang video ng isang Pinay na naninirahan sa Japan nang isurpresa niya ang kanyang pamilya

- Dalawang taong hindi nakauwi ng Pilipinas ang Pinay buhat na rin nang mag-pandemic

- Nagkunwari siyang makiki-CR lang sa kanilang bahay ngunit agad siyang nakilala lalo na ng kanyang ina

- Aniya, makailang beses man niyang panoorin ang video, hindi matatawaran ang sayang nararamdaman niya sa reaksyon ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang ina

Umantig sa puso ng marami ang video ni Diana Rose San Juan Hirano nang muli siyang makauwi sa Pilipinas upang bisitahin ang kanyang pamilya.

Pinay na ilang taong 'di nakauwi, halos di bitawan ng ina nang siya'y muling mayakap
Si Diana kasama ang kanyang mga magulang (Diana Rose San Juan Hirano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilang taon nang naninirahan sa Japan si Diana kapiling ang kanyang mister.

At dahil na rin sa pandemya, inabot ng dalawang taon bago siyang makabalik sa bansa.

Sa kagustuhan niyang maging espesyal at memorable ang kanyang pagbabalik sa pamilya, naisipan niyang isurpresa ito.

Read also

Patillas Girl sa relasyon nila ni Flow G: "'Yung tiwala ko never naman niyang nadungisan"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naikwento niya sa KAMI na magkukunwari lamang sana siya na makiki-CR ngunit agad siyang nakilala lalo na ng kanyang ina na halos napatalon at hindi na siya bitawan nang muli siyang mayakap.

"Pagpasok ko po sa bahay sabi ko, 'makiki-ihi po ako.' Pagkakita nila sa akin nabigla na po talaga family ko! As in surprised!" kwento ni Diana sa KAMI.

"Hindi ko po sinabi na uuwi ako. Wala pong alam ang family ko na nasa byahe na po ako pauwi. Pagpasok ko po sa bahay sabi ko, 'makiki-ihi po ako.' Pagkakita nila sa’kin nabigla po talaga family ko! As in surprised!" pahayag naman niya sa Philippine Star.

Taong 2020 pa nang huling makabisita si Diana sa bansa. Dalawang buwan naman niyang makakasama ang pamilya bago siya bumalik muli sa Tokyo.

Read also

Pau Fajardo, sinabi na ayaw niya na ng karelasyong basketball player

"Hanggang ngayon po, kahit paulit-ulit ko po nakikita ‘yung video, sobrang priceless po. Hinding-hindi po matutumbasan ng kahit ano po ‘yung saya na naramdaman ko po no’ng nakita ko po ulit family ko," dagdag pa ni Diana.

Talagang marami sa ating mga kababayan ang hindi basta nakauwi sa bansa dala ng pandemya.

Kaya naman nang mabakunahan kontra COVID-19, marami naman ang agad na umuwi sa bansa upang makapiling ang mga mahal nila sa buhay na halos dalawang taon nilang hindi nakasama.

Samantala, ang iba naman nating kababayan ay masuwerteng nahanap ang maganda nilang kapalaran sa ibang bansa. Dahil dito, maayos silang namumuhay maging ang kanilang mga naiwang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Tulad ng kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si ''Zia Welder" na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay kahit nasa ibang bansa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica