Mister ng tinderang naararo umano ng SUV, dumulog na sa RTIA

Mister ng tinderang naararo umano ng SUV, dumulog na sa RTIA

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang mister ng tinderang naararo umano ng isang SUV

- Makikita sa CCTV footage ang umano'y pagsagasa sa pwesto ng tindera ng SUV na ang driver ay malapit lang ang bahay sa kanila

- Lumalabas na umaalma ang kampo ng driver sa hinihinging bayad perwisyo ng biktima

- Ayon naman kay Tulfo, sisiguraduhin niyang makakamit ng tindera ang hustisya sa sinapit nito

Humingi na ng tulong si Roger Cambiado, ang mister ng tindera sa viral video kung saan makikitang inararo umano ito ng rumagasang SUV.

Mister ng tinderang naararo umano ng SUV, dumulog na sa RTIA
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kitang-kita ang paghagip sa pwesto ng tinderang si Chona Cortez kung saan siya naroon, dahilan para siya ay magtamo ng sugat at hirap pa rin sa ngayon na makalakad.

Nakapanayam naman ni Tulfo ang anak ng may salang si Roger Lam Li na si Carlo Lam Li upang linawin ang ilang mga pangyayari kaugnay sa kaso.

Read also

Cristy Fermin, sinabing nakipag-relasyon daw si Jeric Gonzales sa mayamang businessman

Nakarating sa kanila na pinasusulat umano ng pulisya ang kampo ng biktima na bahagi umano ng pakikipag-areglo dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tama lang po sir. Buti nga three months lang hinihiling niya. Kung ako po hilingin ko pa e more than that. Kasi sir, una na-wipe put niyo po ang kanyang kabuhayan, pangalawa isang buwan po siyang hindi nakapagtrabaho. Just imagine that at pamilyadong tao po ito," paliwanag ni Tulfo sa anak ng salarin.

Inalamahan kasi ng anak ang laki ng hinihinging halaga ng biktima na para kay Tulfo ay sapat lang talaga gayung malaking abala nangyari umano sa tindera.

"I'm very serious, I'll make sure na makakuha ng hustisya itong si sir Roger... No amount of your money can get your father out of this mess," pahayag ni Tulfo.

Kung hindi raw umano pumayag ang panig ng salarin sa Php220,000 na sana'y kanilang mapagkakasunduan, itutuloy na ng panig ng biktima ang demanda.

Read also

Madam Inutz, sa namba-bash sa bago niyang jowa; "Mas malakas pang kumita sa'kin 'to"

Narito ang kabuuan ng kanilang mainit na diskusyon mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 23.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Sa ngayon, isa si Tulfo sa mga kumakandidato sa pagiging senador ng bansa sa Halalan sa Mayo ngayong taon.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad. Isa na rin siya sa mga bagong halal na senador sa Pilipinas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica