Madam Inutz, sa namba-bash sa kanyang BF; "Mas malakas pang kumita sa'kin 'to"

Madam Inutz, sa namba-bash sa kanyang BF; "Mas malakas pang kumita sa'kin 'to"

- Ipinakilala na ni Madam Inutz ang nagpapatibok ngayon ng kanyang puso

- Subalit inamin din nito na marami umanong namba-bash sa kanyang jowa mula sa mga comment section ng kanyang social media

- Nilinaw niyang straight na lalake at walang katotohanang ginagamit lang umano siya nito

- Aniya, mas malaki pa raw itong kumita sa kanya gayung meron itong sariling negosyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakilala na ni Madam Inutz ang kanyang boyfriend na si 'Tantan.'

Madam Inutz, sa namba-bash sa bago niyang jowa; "Mas malakas pang kumita sa'kin 'to"
Madam Inutz at Tantan ( Photo from Daily Lopez)
Source: Facebook

Sa kanyang pinakabagong vlog, kasama niya ang nobyo at kinumpirma ang kanilang relasyon.

Nalaman ng KAMI na dahil sa minsan nang naipakita ni Madam Inutz si Tantan sa kanyang mga social media, marami rin umanong nam-bash dito.

Ilan sa mga naibabatong komento dito ay ang tungkol sa kasarian nito at ang totoong motibo nito kay Madam Inutz.

Read also

Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Una nang nilinaw ni Madam Inutz na straight na lalake ang nobyo at walang katotohanan na ginagamit lang siya nito para sumikat.

"Mas mapera pa siya sa'kin... Mas malakas pang kumita sa'kin 'to mga inutil," dagdag pa ni Madam patungkol naman sa mga nagsasabing peperahan lamang umano siya ni Tantan.

Isa rin sa inamin ni Madam Inutz ay ang pagiging entertainer umano ng nobyo kung saan isa ito sa mga modelo ni Wilbert Tolentino sa club nito.

Aniya, isa ito sa mga parehong bagay tungkol sa kanila dahilan para sila ay magkasundo. Gayunpaman, aminado rin si Madam na kinikilala pa rin nila talaga ang isa't isa lalo na at bago pa lamang ang kanilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pinakabagong video sa YouTube channel niyang Madam Inutz:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Ogie Diaz, sinabing nasa Php 24 million ang umano'y naluging pera ni Tom Rodriguez

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Katunayan, bahagi siya ngayon ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na 'My Papa Pi'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel