VP-elect Sara Duterte, sinamahan ang isang estudyante sa moving-up ceremony nito
- Pinaunlakan ni Vice President-elect Sara Duterte ang hiling ng isang estudyante na siya ang isama sa moving-up ceremonies nito
- Sa kanyang post, sinabing nagpadala ng liham ang estudyante na wala umanong makakasama sa nasabing okasyon
- OFW daw kasi ang ina nito na hindi makadadalo kaya naman lakas-loob nitong inaya ang kahihirang pa lamang na bise presidente
- Noong May 25, agad na naiproklama ang pagkahalalal kina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang bagong Pangulo at bise presidente ng bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi binigo ni Vice President-elect Sara Duterte ang hiling ng estudyanteng si Angel Mae na siya ang makasama nito sa kanyang moving-up day ceremonies.
Nalaman ng KAMI nakasama umano ng VP-elect sa kanyang kampanya noon sa San Carlos, Pangasinan si Angel Mae nang mag-abot ito ng liham sa kanya.
Sa sulat, inimbitahan niya si Duterte na siyang maging kasama nito sa moving-up day gayung hindi makadadalo ang kanyang ina na isang overseas Filipino worker.
Sa mga larawang ibinahagi mismo ng bagong bise presidente, makikitang siya nga ang kasama ni Angel Mae sa entablado at siya ang nagsabit ng medalya rito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa comment section, ibinahagi ng netizen na si Joshua John Flores Orongan na matapos ang moving-up ceremonies, sumama rin si VP-elect Sara sa munting salo-salo para kay Angel Mae.
Narito ang kabuuan ng post:
Si Sara Duterte-Carpio ay ang bagong hirang na bise presidente ng Pilipinas. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Siya ang naging running-mate ng nagwagi naman sa pagka-pangulo na si Bongbong Marcos.
Sila ang parehong nanguna sa Halalan 2022 gayundin ang karamihan sa kanilang kasama sa UniTeam.
Matatandaang noong Oktubre 2, ng nakaraang taon 2021, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Si VP-elect Sara na rin ang naatasang maging Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na agad namang tinanggap ng kasalukuyang namumuno sa DepEd na si Sec. Leonor Briones.
Subalit noong Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Nobyembre 11 ng 2021, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa noo'y alkalde ng Davao City.
Source: KAMI.com.gh