Mayor Sara Duterte, ine-enjoy ang brown skin dahil sa umano'y 'lagare' schedule ng kampanya

Mayor Sara Duterte, ine-enjoy ang brown skin dahil sa umano'y 'lagare' schedule ng kampanya

- Brown at hindi na raw mestiza si vice presidential candidate Mayor Sara Duterte dahil sa pangangampanya

- Walang humpay umano ang pag-iikot nila ng kanyang running mate na si presidential candidate Bongbong Marcos na lumabas na raw ang kulay ng pagka-Ilocano

- Nagbiro pa si Mayor Sara na hindi na raw sila UniTeam kundi 'Umi-Team'

- Samantala, parehong hindi pa rin umano dumalo ng presidential at vice presidential debate ang dalawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-iba na raw ang kulay ng balat nina Vice Presidential candidate Mayor Sara Duterte gayundin ng kanyang running mate na si Presidential candidate Bongbong Marcos.

Dala umano ng kanilang 'lagare' schedule sa pangangampanya, aminadong nangitim na ang dalawa sa pagpunta sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Mayor Sara Duterte, ina-enjoy ang brown skin dahil sa umano'y 'lagare' schedule ng kampanya
Mayor Sara Duterte, ina-enjoy ang brown skin dahil sa umano'y 'lagare' schedule ng kampanya
Source: Facebook

"Sulit na sulit kahit pagod at dahil laging nakabilad, nag-iba na 'yung ating mga kulay ng mga kutis at talagang lumabas na ang pagka-Ilokano ko," ani Marcos.

Read also

VP Leni sa final statement niya sa presidential debate; "True leader show up and man up"

"E ikaw reddish lang naman, dahil iba talaga 'pag tisay," dagdag pa ni Marcos patungkol naman kay Mayor Sara na isang mestiza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naku, sunog na rin po pero ine-enjoy ko 'yung brown look ko ngayon," ayon naman kay Inday Sara.

"Hindi na nga raw tayo Uniteam ang tawag, kundi umi-team," pabirong dagdag niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na ibinahagi rin ni Ardee Gian Casno Ng Cavite sa kanyang YouTube channel:

Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang noong Oktubre 2, ng nakaraang taon 2021, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.

Read also

Larawan ni VP Leni Robredo na kuha sa labas ng 'Pink Mosque', viral

Subalit noong Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.

Nobyembre 11 ng 2021, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.

Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya na ngayon ang running-mate ni Presidential candidate Bongbong Marcos sa kanilang UniTeam.

Kamakailan, naging usap-usapan ang hindi nila pagdalo ng COMELEC presidential at vice presidential debate.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: