Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

- Sa kabila ng mga kaganapan sa katatapos lang na eleksyon nakapagpadala pa rin umano ng mga gamot ang opisina ni VP Leni Robredo

- Isang araw mismo matapos ang eleksyon, masaya ang isang lola na nakatanggap ng kanyang mga gamot

- Sinasabing nagkakahalaga ang mga gamot ng Php22,000

- Kaya naman napakalaki umanong tulong ito sa pamilya ng lola na nabigyan ng kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napadalhan pa rin ng gamot mula sa Office of the Vice President ni Leni Robredo ang lola ni Reynald Ramos, isa umanong segment producer sa GMA News and Public Affairs.

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000
Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000 (Reynald Ramos)
Source: Facebook

Sa post ni Reynald, ipinakita niya ang saya ng kanyang lola nang matanggap ang mga gamot nito isang araw matapos ang Halalan noong Mayo 9.

"Hindi man pumabor ang resulta ng eleksyon, ngayong umaga—nagpadala pa rin ng tulong ang Office of the Vice President of the Philippines sa lola kong may sakit."

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

"Worth 22k ang gamot niya. Andito kasama ang resibo. Too stunned to speak, sorry."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman napakalaking tulong ito sa kanilang pamilya na labis na ipinagpapasalamat ni Reynald.

"Maraming salamat po, VP Leni Robredo sa walang sawang pagmamahal at pagtindig."

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Samantala, isa umano sa mga supporters ng naging kandidatura ni Vice President Leni Robredo na si Nanay Gloria Beltran ay sumakabilang buhay na.

Matatandaang si Nanay Gloria ay ang lola sa viral video kung saan matiyagang nag-abang sa motorcade ni VP Leni nang magtungo ito sa Gerona, Tarlac.

Mapalad siyang makaakyat ng entablado ng sinusuportahang kandidato. Sa video makikitang agad din naman siyang niyakap ni VP Leni.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica