5-anyos na batang nag-aaruga sa lola na bulag, umantig sa puso ng netizens

5-anyos na batang nag-aaruga sa lola na bulag, umantig sa puso ng netizens

- Umantig sa puso ng netizens ang maiksing video ng 5-anyos na bata na nagsisilbing mata ng lola niyang bulag

- Sa mura niyang edad, halos lahat na ng gawaing bahay maging ang pagluluto ay siya na ang gumagawa

- Aminado naman ang kanyang lola na naaawa sa apo subalit wala rin umano siyang magawa dahil sa kanyang kapansanan

- Ayon naman sa bata, love niya ang kanyang lola kaya naman hindi niya ito pinababayaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang naantig sa maiksing video ng batang si Alayza na siyang nagsisilbing mata ng kanyang Lola Eliza.

5-anyos na batang nag-aaruga sa lola na bulag, umantig sa puso ng netizens
Si Lola Eliza at apong si Alayza (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na limang taong gulang lamang si Alayza subalit siya na karamihan ang gumgawa ng mga gawaing bahay.

Sa video, makikitang tumutulong si Alayza sa kanyang lola na maglaba. Ang lola Eliza niya, kahit walang nakikita ay sinisikap pa rin na kusutin ang mga damit nila.

Read also

Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video

Nang sumapit na ang oras para maghanda ng pananghalian, si Alayza rin ang naglinis ng isda na kanya ring lulutuin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Mahigit tatlong dekada na akong hindi nakikita. Ang nagsisilbi kong mata ngayon, ‘yung apo ko, si Alaiza," pahayag ni Lola Eliza sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)

"Nakakaawa. Ako kasi ito ‘yung matanda, pero siya pa ang nag-aalaga sa akin dahil may kapansanan ako.”

Samantala, si Alayza, sa kabila ng kanyang murang edad ay tila nauunawaan na ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.

"Bulag po si Lola. Walang mag-aasikaso sa kanya kaya ako na lang po. Ako po naghahanap ng mga gulay, nagwawalis, nagliligpit ng mga gamit at nagluluto para kay Lola. Love ko po kasi talaga siya," ayon naman kay Alayza.

Narito ang kabuuan ng post mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS):

Read also

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica