Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

- Maugong ngayon ang usap-usapan tungkol sa lalaking kasama umano ni Barbie Imperial sa ilang mga larawan

- Matatandaang sa panayam nina Ogie Diaz at Mama Loi kay Barbie, nabanggit ng aktres ang umano'y 'umaaligid' sa kanya

- Gayunpaman, sinabi din ni Ogie Diaz na hihintayin nila ang kumpirmasyon mula mismo kay Barbie

- Kamakailan ay naging usap-usapan din ang hindi inaasahang pagkikita nina Barbie at Diego isang campaign event ng sinusuportahan nilang kandidato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ni Barbie Imperial na kasama ang isang lalaki na isa umanong abogado sa Cebu City.

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena.

"Aba e kung marami tayong makikitang larawan na sila ay magkasama, pwede nating pagdudahan o pagsuspetsahan. Pero kung doon lang sila nagkita, nagpa-pisture lang o whatever, 'di ba e pangit naman na mag-conclude tayo na sila na ni Barbie,"

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ngayon tatanong natin si Barbie kung gaano katotoo ito. Hintayin natin sagot ni Barbie ah"

Dagdag pa ni Ogie, baka naman kinuha lamang umano si Barbie para i-endorso ang party list ng naturang abogado.

"Kasi marami namang mga ganun Loi, kumukuha ng mga artista, para i-endorse yung kung anumang party list. Hindi rin naman natin alam kung nagkakigihan na yung dalawa. Pero sino naman tayo para mag-conclude na nagkakamabutihan na nga 'yung dalawa."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Barbie Imperial ay isang aktres na unang napanood sa telebisyon nang sumali at maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Una siyang nabigyan ng lead role sa teleseryeng 'Araw-Gabi' kung saan nakatambal niya si JM De Guzman.

Read also

Chie Filomeno, umalma sa pagdawit sa kanya sa isang malisyosong video

Samantala, huli niyang nakarelasyon si Diego Loyzaga na isa ring aktor sa Pilipinas. Anak siya ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Nang makabalik si Diego mula sa bakasyon niya sa Amerika, nag-usap sila ni Barbie ukol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Minsan na ring naidetalye ng online personality na si Xian Gaza ang umano'y dahilan ng hiwalayan nina Barbie at Diego.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel