Netizen, umasang mahanap na ang kanyang nawawalang tiyahin
- Matapos mag-viral kamakailan ang post ng ABS-CBN reporter na si Izzy Lee kung saan may babaeng yumakap sa kanya, isang netizen ang umaasang makita na nila ang nawawala niyang tiyahin
- Ibinahagi nito ang ilan sa mga litrato ng kanyang nawawalang tita na aniya ay hinahanap na rin ng kanyang mga kapatid
- Ayon pa sa naturang netizen, tinitingna niya ang mga palaboy tuwing lumuluwas siya ng Maynila dahil sa pagbabakasakaling mahanap niya ang kanyag tiyahin
- Agad na nag-viral ang kanyang post lalo't marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakahawig ng babae sa ibinahaging mga litrato sa babaeng yumakap sa ABS-CBN reporter kamakailan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nabuhayan ng pag-asa ang isang netizen matapos nitong makita ang viral na post ng ABS-CBN reporter na si Izzy Lee kung saan nakatnggap siya ng free hug mula sa isang babae. Agad na nag-viral ang post ng Facebook user na si Patricia Pangilinan Malcado lalo't marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakahawig ng babae sa ibinahaging niyang mga litrato sa babaeng yumakap sa ABS-CBN reporter.
Ayon pa sa naturang netizen, tinitingna niya ang mga palaboy tuwing lumuluwas siya ng Maynila dahil sa pagbabakasakaling mahanap niya ang kanyag tiyahin.
Huling din iya ng tulong sa kung sino man ang nakakita sa kanyang tiyahin.
kung sno man po may alam or nakakita sa kanya plss po pm nyo po kami sobrang miss na namin ang tita namin halos mahigit isang dekada na syang nawawala plsss po sana makita na namin sya ramdam ko ikaw tlaga yan "
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Izzy Lee ay isang reporter sa ABS-CBN. Base sa kanyang Twitter profile, nagtrabaho din siya sa GMA News at PumaPodcast. Makikita din sa kanyang social media account na nito lamang April 25 ay binati siya ng kanyang kasamahan sa ABS-CBN sa pagiging bahagi nito ng ABS-CBN News.
Maitututring ang ABS-CBN na isa sa pinakamalaking TV station sa bansa bago ito nawalan ng prangkisa. Ayon sa inilabas nilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito ang naapektuhan sa pagkakasara ng kanilang estasyon.
Ilan sa mga Kapamilya stars ang naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagkaka-deny sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay sina John Manalo, RR Enriquez, Edward Barber at marami pang iba.
Source: KAMI.com.gh