Mga empleyado at tagasuporta ng ABS-CBN, nakilahok sa noise barrage

Mga empleyado at tagasuporta ng ABS-CBN, nakilahok sa noise barrage

- Muling nagtipon-tipon ang mga empleyado at tagasuporta ng ABS-CBN upang mag-ingay bilang pagpapakita ng suporta sa TV network

- Kaugnay ito ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN kamakailan lang

- Maging ang ilang mga artista ay nagpakita rin ng suporta para sa kanilang mga "Kapamilya"

- Bumuhos din ang suporta mula sa mga online supporters ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaisa ang mga celebrities, empleyado at taga-suporta ng Kapamilya network para ipahatid ang mensahe ng suporta sa mga Kapamilya employees kaugnay sa pagbasura ng Kamara sa ABS-CBN franchise.

Ilan sa mga personalidad na nakilahok sa noise barrage ay sina Jason Dy, Jona, Boy Band Jao Constancia, Inigo Pascual, Chie Filomeno, Heaven Peralejo, Robi Domingo, Enchong Dee, Ria Atayde, Arjo Atayde, Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Maja Salvador, Enrique Gil, Liza Soberano, at Angel Locsin.

Mga empleyado ng ABS-CBN at tagasuporta, nakilahok sa noise barrage

Mga empleyado ng ABS-CBN at tagasuporta, nakilahok sa noise barrage
Source: Facebook

70 ang kongresistang pumabor na i-deny ang bagong 25-taong prangkisa ng Kapamilya network, 11 naman ang hindi sang-ayon, dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain sa naganap na botohan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

Kapit at laban lang Kapamilya. Patuloy kaming TFC na nanonood araw araw.We Support ABSCBN.
Laban lng kapamilya naiyak tlaga ko ng mapanood ko to,,naisip ko sa gitna ng pandemic anjan kau Nanawagan sa gobeyeno para sa kinabukasan ng mga pamilya nio kaung mga employes,,ang sakit sa puso na maraming nasasaktan
Expected ko nang mamgyayari ito! At least inilalabas nila ang masamang feeling nila. Wala na eh. Kahit anong gawain nila, wala na!. Sana noon pa.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Ilan sa mga Kapamilya stars ang naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagkaka-deny sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay sina John Manalo, RR Enriquez, Edward Barber at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel