Zeinab Harake, binahagi ang mga tinamong galos sa kanyang tuhod

Zeinab Harake, binahagi ang mga tinamong galos sa kanyang tuhod

- Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Zeinab Harake ang kanyang picture kung saan makikita ang gasgas sa kanyang tuhod

- Napahugot tuloy ito kaugnay sa umano'y hindi pa gumagaling na kanyang pinapagaling

- Matatandaang kamakailan ay hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay

- Gayunpaman, aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Zeinab Harake, hindi pa man naghilom ay muli siyang nasaktan. Ang tinutukoy nito ay ang pagkakagasgas ng kanyang tuhod.

Zeinab Harake, sinabing muli siyang nasaktan kahit nagpapagaling pa siya
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Zeinab Harake ang kanyang picture kung saan makikita ang gasgas sa sa tuhod niya. Kalakip nito ay ang mga salitang, "di pa magalingyung ibang pinapagaling ko nadagdagan na naman mej masakit b3h"

Read also

Kampo ni Marcos, tinanggihan ang hamon na one-on-one debate ni VP Leni Robredo

Matatandaang sa kanyang huling vlog, hindi na napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Naroroon ang ilan sa kanyang mga kaibigan na content creator din kagaya niya upang suportahan siya. Tumulong din ang mga ito para patawanin si Bia para sa mas magandang kalalabasan ng photoshoot.

Nang matapos na ang kanilang shoot, tuwang-tuwa si Zeinab sa anak. Aniya, proud siya na siya ang mommy ni Bia at hindi daw siya lugi lalo at ang ganda-ganda ng kanyang prinsesa.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Rob Moya, napagtantong kailangan na daw tigilan ang pangungulit niya kay Toni Fowler

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel