Raffy Tulfo, inaming may sineryoso at kinatakutan ding pagbabanta sa kanyang buhay
- Inamin ni Raffy Tulfo na mayroon din naman siyang kinatakutang death threat
- Binilangan daw talaga siya ng araw noon kaya naman hindi niya ito isinawalang bahala
- Dahil dito, naikwento niyang nagdadala siya noon ng licensed firearm sa posibleng gayung hindi niya alam ang posibleng mangyari
- Si Raffy Tulfo ay isa sa sa mga tumatakbong senador para sa darating na eleksyon sa Mayo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inamin ni Raffy Tulfo na sa kabila ng pagkakakilala ng publiko sa kanya na masasandalan ng mga nangangailangan at walang inuurungan basta't nasa tama lamang, ay minsan na siyang tinakot ng death threat.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni Boy Abunda sa "The Interviewer Presents Senatorial Candidate Raffy Tulfo"
Binalikan ni Raffy Tulfo ang isang pagbabantang sineryoso niya lalo na at binilangan na siya ng umano'y nalalabing araw niya.
"Nung mga panahong 'yon nagtext sa'kin in fact nagbigay pa nga siya ng araw para countdown. 3 days to go, 2 days to go, 1 week to go. Kinakabahan ako noon, sino ba namang hindi kakabahan," pagbabalik-tanaw ni Tulfo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"'Pag dating nung one day to go, may umaali-aligid doon sa istasyon. Tatlo, apat nagtatanong-tanong. Talagang tinatakot ako. Tinanong 'yung guard, anong oras 'yung labas ni Raffy Tulfo. Alam kong sila 'yun, masama ang tingin panay ang tanong," dagdag pa niya.
"At that time, nagbibitbit ako ng licensed firearm. And meron din akong kasama, driver. So 'yung driver ko ang nagsasabi sa akin. 'Wag muna tayong umuwi, pa-cool muna tayo. And then tawag ako sa mga kaibigan ko para sa akin, talagang tinakot ako," pag-amin ni Tulfo.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa The Boy Abunda Talk Channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Sa ngayon, isa si Tulfo sa mga kumakandidato sa pagiging senador ng bansa sa Halalan sa Mayo ngayong taon.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh