Willie Revillame, humiling ng dasal matapos malamang may polyps sa colon at tiyan

Willie Revillame, humiling ng dasal matapos malamang may polyps sa colon at tiyan

- Ibinahagi ni Willie Revillame na may natagpuang polyps sa kanyang colon at tiyan

- Ngayong Lunes umano malalaman kung cancerous ba ang natagpuang polyps kaya humingi siya ng panalangin

- Kapag umano lumabas na cancerous, sasailalim siya sa operasyon para matanggal ang polyps

- Ibabahagi niya umano ang update sa kanyang kalagayan kahit pa nasa ospital siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Willie Revillame na may polyps siya sa kanyang colon at tiyan. Hinihintay lang umano niya ang resulta ng pagsusuri sa polyps kung ito ba ay cancerous.

Willie Revillame, humiling ng dasal matapos malamang may polyps sa colon at tiyan
Willie Revillame (Screenshot from Wowowin)
Source: Facebook

Sa isang Facebook live nitong Huwebes ay humiling ng panalangin si Kuya Wil na sana ay huwag maging cancerous ang mga nakitang polyps sa kanyang colon at tiyan. Kung sakali ay kakailanganin umano niyang sumailalim sa operasyon.

"May nakitang polyps sa akin, dalawa. Isa sa colon, medyo matagal na akong nakikitaan ng polyps at isa naman po sa stomach. Medyo one centimeter sa stomach.

Read also

Karen Davila, naluha habang ikinikwento ni Saab Magalona ang first pregnancy journey niya

Ayon daw sa kanyang doktor, kailangan niyang mamalagi sa ospital nang dalawang linggo hanggang isang buwan kapag inoperahan siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, ngayong araw ng Lunes, March 28, 2021 malalaman ang resulta.

"Ang usapan namin ng mga doktor sabi ko, 'doc, you have to be honest with me kung ano ba dapat gawin?' E, 'wag mo isipin 'yun, you pray, magdasal ka.' Anyway, sa Monday ko malalaman. Pag wala po ako sa Monday, ibig sabihin ako po ay nagpa-confine, sabi nila puputulin 'yung intestine at tatahiin. Sana 'wag naman, pero 'yun ang dapat gawin.

Ibabahagi niya umano ang update sa kanyang kalagayan kahit pa nasa ospital siya.

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime, at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Read also

Herlene Budol, pinabulaanan ang malisyosong espikulasyon kay Willie Revillame

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel