Karen Davila, naluha habang ikinikwento ni Saab Magalona ang first pregnancy journey niya

Karen Davila, naluha habang ikinikwento ni Saab Magalona ang first pregnancy journey niya

- Naluha si Keren Davila habang ikinikwento sa kanya ni Saab Magalona ang kanyang unang pregnancy journey

- Matatandaang pumanaw ang kakambal ng panganay niyang si Pancho na si Luna

- Habang si Pancho naman ay talagang nakipaglaban sa kanyang buhay pagkasilang pa lamang

- Ang lahat daw ito ay kinakaya niya lalo ng kanyang mister na si Jim Bacarro na hindi sila kailanman pinabayaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal din si Karen Davila sa panayam niya kay Saab Magalona sa pinakabago niyang video sa kanyang YouTube channel.

Karen Davila, naluha habang ikinikwento ni Saab Magalona ang first pregnancy journey niya
Karen Davila, naluha habang ikinikwento ni Saab Magalona ang first pregnancy journey niya (Karen Davila Youtube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nila ay ang mga pinagdaanan ni Saab sa unang pagbubuntis sa kanyang kambal na sina Pancho at Luna.

Subalit matatandaang pumanaw si Luna habang nakipaglaban sa kanyang buhay si Pancho na ngayo'y apat na taong gulang na.

Read also

Video ng lola na naiyak habang nag-aabang kay VP Leni, viral

Ani Saab, labis niyang hinangaan ang mister na si Jim Bacarro na kinailangan ding kayanin lahat ng pagsubok nilang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I really have to say that my husband, si Jim was such a rock. Can you imagine, going back and forth, me in the ICU, our son in the NICU, and our daughter in the morgue," emosyonal na naibahagi ni Saab patungkol sa asawang hindi raw talaga sila pinabayaan.

Dahil dito, naantig din ang damdamin ni Karen at naluha sa naibahagi ni Saab.

"Ako din naiyak, ang galing naman nun," ang nasabi ni Karen na noo'y nagpunas na rin ng kanyang luha.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Saab na mapapanood sa Karen Davila YouTube channel:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay sina Donny Pangilinan at si Sue Ramirez.

Si Karen din ang nakapagkumbisi sa kanyang best friend na si Kim Atienza na pasukin na rin ang pagiging isang YouTuber.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel