Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"

Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"

- Ipinaliwanag ng misis ng driver ng motorsiklong inangkasan ni Vice President Leni Robredo kung paano sila naging ganap na 'Kakampink'

- Marami umano ang nagtataka gayung solid ito sa una nilang sinuportahang presidential candidate

- Ito ay dahil umano sa kabutihan at kababang loob na ipinakita ng bise presidente nang umangkas ito sa motorsiklo ng kanyang mister sa Cavite

- Nasaktan din umano sila sa panghuhusgang natanggap gayung hayagan niyang sinabi na iba ang sinusuportahan nila noon sa pagka-pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinetalya ng misis ni Sherwin Abdon na si TinTin Abdon kung bakit isa na silang ganap na 'Kakampink.'

Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako"
Misis ng driver ng inangkasang motor ni VP Leni sa pagiging 'Kakampink'; "Napabilib niya ako" (Photo from Tintin Danica Abdon)
Source: Facebook

Matatandaang si Sherwin ang rider na nag-angkas kay Vice President Leni Robredo patungo sa venue ng campaign rally nito sa Cavite nang maipit na noon sa matinding traffic ang sasakyan nito.

Iba ang sinusuportahang presidential candidate ng pamilya ni Sherwin gayundin si Tintin na noo'y aminadong sarado ang isip patungkol kay Robredo.

Read also

Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate

Ngunit nang mismong masaksihan ng kanyang mister ang kabaitan at kababaang loob umano ni Robredo, tila unti-unti nang nagbago ang kanilang isip.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Dahil sa sobrang pagmamahal na ipinaramdam sa amin ng mga Leni Supporters... Natutunan ko tuloy pag aralan si VP Leni. Binuksan ko ang sarado kong utak at pinalawak ko ang aking pananaw sa buhay. Nagsimula akong magbasa basa tungkol sa kanya."
"Sinimulan kong mag-research at manood ng mga videos tungkol sa kanya at sa mga nagawa nya. Nabasa ko ang mga istorya ng mga taong natulungan nya. Inunawa ko ang plataporma nya at naappreciate ko ang mga nagawa nya sa ating bansa at sa buhay ng napakaraming tao. Hindi ko namamalayan, nagugustuhan ko na sya."
"Napabilib nya ako kung anong klaseng leader sya. Bilib ako sa pagkakaisa ng mga supporters nya. Ramdam ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa isa't isa. Meron silang tunay na UNITY. Na hindi ko nakita at naramdaman nuon. At naniniwala ako, kaya mabubuti ang mga Kakampink ay dahil mabuti ang leader na sinusuportahan nila"

Read also

Leni Robredo, hindi naapektuhan ng bashers ayon sa mga anak na sina Aika at Tricia

Narito ang kabuaan ng kanyang post:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan ay inalmahan ni VP Leni ang mga fake news tungkol sa kanya kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica