Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate

Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate

-Mag-iiba na raw ng susuportahang kandidato sa pagka-pangulo ang online personality na si Valentine Rosales

- Ito ay matapos gumawa ng ingay ang kanyang post patungkol sa insidente sa 7-Eleven na umano'y nasaksihan niya kamakailan

- Matatandaang nasabi niyang isa siyang supporter ni Vice President Leni Robredo

- Subalit dahil umano sa inasta ng ilang 'Kakampink' sa kanya, tila nagbago na raw ang kanyang isip

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Undecided" na raw si Valentine Rosales sa kung sino ang susuportahan niyang presidential candidate sa darating na halalan sa Mayo 9.

Nalaman ng KAMI na muling naging usap-usapan si Valentine matapos nitong mag-live sa TikTok kung saan niya nabanggit na tila nagbago na ang isip niya sa pagiging supporter ni Vice President Leni Robredo.

Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate
Valentine Rosales, "undecided" na sa susuportahang Presidential candidate (Valentine Rosales)
Source: Facebook

"Yung ibang mga Kakampink, napansin ko, ayaw nila sa diktador. Pero sila mismo kung umarte, para silang diktador. Sino 'yung diktador ngayon, 'di ba?" paliwanag ni Valentine.

"Lilipat na talaga ako… 'di ako sure kung si BBM, si Lacson, o si Isko. Medyo undecided ako," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Marso 13, nag-viral ang post niya tungkol sa nasaksihang insidente sa 7-Eleven.

Marami ang umano'y kumuwestiyon sa katotohanan ng pangyayari at isa na rito ang kilalang negosyante at online personality na si Xian Gaza.

Inalmahan naman ito ni Xian na sinabing bahagi lamang ng black propaganda ang naturang post ni Rosales.

Ayon sa viral na rin na post ni Xian, planado umano ang viral post ni Valentine upang mapag-usapan. Wala rin umanong katotohanang Leni supporter si Valentine tulad ng nabanggit din niya sa nasabing post.

Dahil dito, sumiklab ang patutsadahan ng dalawa sa kani-kanilang mga social media pages.

Narito ang pahayag ni Valentine na naibahagi rin ng Balita:

Isa si Valentine Rosales sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Samantala, Pebrero ng kasalukuyang taon, tuluyan nang ibinasura ng korte ang lahat ng kasong may kaugnayan sa pagkamatay ni Dacera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel