Boy Abunda, kinumusta ang mga akusado sa Dacera case: "Di pa rin sila tapos"

Boy Abunda, kinumusta ang mga akusado sa Dacera case: "Di pa rin sila tapos"

- Kinumusta ni Boy Abunda ang limang akusado sa kaso ng pagkamatay ng dating flight attendant na si Christine Dacera

- Makalipas ang isang taon, masasabing unti-unti na silang nakabalik sa dati nilang pamumuhay subalit malaki talaga ang naging epekto ng kaso sa kanila

- Ayon pa sa kanilang abogado, hindi pa natatapos ang kaso gayung mayroon pang naganap na pag-apela sa Department of Justice

- Bagama't ibinasura na ng Makati Prosecutor's office ang kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya sa 11 na akusado, tuloy-tuloy pa rin umano ang kaso

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makalipas ang isang taon mula sa kontrobersyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, muling kinumusta ni Boy Abunda ang lima sa 11 na akusado sa kaso.

Nalaman ng KAMI na ekslusibong nakapanayam ni Abunda sina Gigo De Guzman, JP Dela Serna, Clark Rapinan, Valentine Rosales at Rommel Galido kasama ang kanilang abogado na si Atty. Teresita Marbibi.

Read also

Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7

Boy Abunda, kinumusta ang mga akusado sa Dacera case: "Tuloy-tuloy pa rin ang kaso"
Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Halos unti-unti nang nakakabalik sa dati nilang buhay ang lima subalit aminado silang malaki pa rin ang naging epekto ng nangyari sa kanila.

Ayon pa sa kanilang legal counsel, hindi pa rin naman daw talaga natatapos ang kaso na matatandaang ibinasura na ng Makati Prosecutor's office dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Actually, tuloy-tuloy pa rin ang kaso. Hindi pa rin sila tapos. Kasi, kahit sila nanalo there is an appeal to the department of justice. But we already inform them beforehand that even if you win, it will not end the problem yet"

Sa makatuwid, mahaba pa umano ang tatakbuhin ng kaso kaya naman naitanong ni Abunda kung may iba pang paraan upang mas mapadali ang proseso.

Ang isang maari raw na gawin ng limang akusado ay ang pakikipag-usap sa pamilya ni Dacera na siyang payo rin sa kanila ng kanilang abogado.

Read also

Ina ng Maguad siblings nang makaharap ang mga suspek; "We couldn't do anything"

"Kung ako ang tatanungin, yes tito Boy willing naman po ako na mag-reach put sa family kung bibigyan ng chance," agad na sagot ni Rommel Galido, ang kaibigan mismo ni Dacera sa limang nakausap ni Abunda.

Narito ang kabuuan ng panayam sa lima na mapapanood sa YouTube channel ni Boy Abunda:

Tanghali ng Enero 1, 2021 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.

Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ang mga ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Noong Marso, ilang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang flight attendant ay naghain na rin ng counter charges ang 11 na mga akusado sa kaso.

Abril ng nakalipas lamang na taon, ibinasura ang kasong rapé at homicidé sa mga akusado dahil sa kakulangan umano ng probable cause.

Matatandaang sa unang inilabas na medico-legal ng Philippine National Police, raptured aortic anéurysm ang umano'y ikinamatay ng flight attendant.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica