7-Eleven PH, naglabas na ng pahayag sa issue kaugnay sa presidential cups

7-Eleven PH, naglabas na ng pahayag sa issue kaugnay sa presidential cups

- Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang 7-Eleven Philippines sa kontorbersiyang nangyari sa kanilang preidential cups

- Ito ay matapos silang mabatikos ng ilan na iba umano ang pangalan ng presidentiable na nasa resibo sa nasa cup na kanilang binili

- Ayon sa pahayag ng pamunuan ng convenient store, patuloy ang pag-iimbestiga sa insidente

- Pinaalalahanan na rin nila ang publiko na suriin muna ng magbuti ang resibo bago umalis sa 7-Eleven branch

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang 7-Eleven sa umano'y naging kontrobersiya kamakailan sa mga presidential cups na bahagi ng kanilang promo.

7-Eleven PH, naglabas na ng pahayag sa issue kaugnay sa presidential cups
7-Eleven PH, naglabas na ng pahayag sa issue kaugnay sa presidential cups
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilang mga customers nila ang nagsasabing iba umano ang pangalan ng presidentiable na nasa resibo kumpara sa presidentiable na nasa cup niya.

Ang tinaguriang presidential cups ay promo ng convenient store kung saan may mga mukha ng kilalang presidential aspirant.

Read also

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

Nagsimula ito noong noong March 9 at magtatapos sa Abril 27. Sa ganitong paraan, malalaman din umano kung sino ang napupusuang ipanalo ng taumbayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit umalma ang ilan nang mapansing iba ang pangalan ng nasa kanilang resibo kumpara sa nasa cups na binili.

Dahil dito, sa iba umano mapupunta ang puntos ng pagbili nila ng cups na mayroong mukha ng suportadong kandidato.

Humingi naman ng paumanhin ang 7-eleven sa nangyari at sinabing papaimbestigahan ito.

Nagpaalala na rin ang 7-Eleven na huwag umanong basta aalis nang hindi nakikita ang pangalan ng presidentiable na ang mukha ay nasa kanilang cups

Narito ang kabuuan ng pahayag mula mismo sa 7-Eleven Facebook post:

Samantala, pumalo sa 70,000 ang mga dumalo sa People's rally ng grupo nina presidential candidate Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Kiko Pangilinan na tumatakbo na man sa pagka-bise presidente.

Read also

Donnalyn Bartolome, pinakita ang panggugulo ng isa sa nabunot para manalo ng house and lot

Libo-libong mga Negrense ang dumating noong Marso 11 kung saan nakita at narinig mismo nila ang mensahe ng sinusuportahang mga kandidato.

Kasama ng grupo nina Robredo ang ilan sa mga kilalang perosnalidad sa showbiz tulad nina Joel Torre, Agot isidro, Edu Manzano at marami pang iba.

Naroon din ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na nagpaunlak pa ng isang awitin para sa mga 'Kakampink' bago niya ipakilala ang kanyang mister na si Senator Pangilinan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica