Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

- Ibinahagi ni Lovella Maguad, ang ina ng napaslang na Maguad siblings ang ilang tweet ng panganay niyang anak

- Sa gitna ng labis pa rin na pagdadalamhati sa biglang pagpanaw ng mga anak, mayroong nagpadala ng scrrenshots ng mga tweet na labis na umantig sa kanyang puso

- Aminado ang ina na labis pa rin silang nasasaktan sa sinapit ng walang kalaban-laban niyang mga anak.

- Kamakailan ay naglabas ng saloobin ang ginang matapos na makita muli ang mga suspek sa pamamaslang sa kanyang dalawang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ni Ginang Lovella Maguadm ina ng napaslang na Maguad siblings ang ilan sa mga tweet at post ng panganay niyang anak.

Nalaman ng KAMI na labis na naging emosyonal ang ginang nang mabasa sa kauna-unahang pagkakataon ang mga post ng anak na patungkol sa labis na pagmamahal at pasasalamat sa kanila.

Read also

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak
Photo: Lovella Orbe Maguad
Source: Facebook

Aniya, mayroong nagpadala ng screenshots ng mga post na natanggap niya noong oras na hinang-hina na siya sa tindi umano ng sakit ng pagkawala ng mga anak.

Dagdag pa ng ginang, sana'y nakita niya noon pa ang mga post upang masuklian lalo ang pagmamahal ng anak sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid habang ang isa naman ay nasa kustodiya na rin ng awtoridad at isa pala umanong sakristan.

Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.

Read also

Vice Ganda, pinag-shopping ang dalawang babaeng kanyang nadaanan

Ibinahagi rin niya ang nasabi umano ng isa sa mga suspek sa pamamaslang sa kanilang mga anak na tila alam umanong hindi siya basta malalagak sa bilangguan.

Dahil dito, hindi umano niya maiwasang kuwestyunin ang batas na umano'y sakop ang pagprotekta sa kabataan kahit gaano pa kabigat ang kasalanang nagawa sa pagbabakasakaling mababago pa ang takbo ng buhay ng mga ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica