Vice Ganda, pinag-shopping ang dalawang babaeng kanyang nadaanan

Vice Ganda, pinag-shopping ang dalawang babaeng kanyang nadaanan

- Sa kanyang bagong vlog, naisipan ni Vice Ganda na mamahagi ng biyaya sa ibang tao na hindi niya personal na kilala

- Pinili nila ang mga "working class" lalo umano sa kasalukuyang panahon na marahil ay wala nang panahong mag-shopping para sa kanilang sarili

- Habang nakasakay sa kanyang sasakyan, pumili si Vice ng taong kanyang makakasalubong na nakangiti upang mapatunayan umano na nakakahatak ng grasya ang pagngiti

- Ang napili niyang ipag-shopping ay ang dalawang babaeng kanyang daanan na nakangiting nagkukuwentuhan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dalawang babaeng kanyang nadaanan ang napili ni Vice Ganda na ipag-shopping. Dinala niya ang mga ito sa mall upang ipamili sila ng mga gusto nila mula sa damit, bag, sapatos at maging ng mga laruan para sa kaanak nilang bata.

Vice Ganda, pinag-shopping ang dalawang babaeng kanyang nadaanan
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Napili nina Vice Ganda na mamigay sa working class dahil malamang umano sa kasalukuyang kalagayan ng lahat dahil sa pandemya ay marami sa kanila ang nawalan na ng oras para sa kanilang sarili.

Read also

Ion Perez, emosyonal na nagbigay ng birthday message para sa kanyang ina

Habang nakasakay sa kanyang sasakyan, pumili si Vice ng taong kanyang makakasalubong na nakangiti upang mapatunayan umano na nakakahatak ng grasya ang pagngiti. Abot-abot ang saya ng magkaibigan na magkasama din sa trabaho dahil bukod sa nakasama nila si Vice Ganda ay nabigyan pa sila ng pagkakataon na makapamili ng mga gamit mula sa mamahaling brand.

Kahit ang kanilang ibang kaanak ay pinamili din ni Vice kagaya na lamang ng laruan at bisekleta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel