Vloggers na sangkot sa road rage prank, kakasuhan ng pulisya

Vloggers na sangkot sa road rage prank, kakasuhan ng pulisya

- Viral kamakailan ang isang video kung saan makakita ang tila komprontasyon na naganap sa pagitan ng tatlong kalalakihan

- Makikita sa naturang video ang paghabol ng dalawang motorista sa isang driver ng sasakyan na nakabangga umano

- Matapos mag-viral ang video, ikinabahla ito ng otoridad kaya nagsagawa sila ng imbestigasyon at napag-alamang prank lamang umano ang naturang video

- Kakaharap naman sa patong-patong na kaso ang mga vloggers na nauna nang humingi ng dispensa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan ang video kamakailan na kumalat sa social media. Ito ay ang video na nagpapakita ng mainit na komprontasyon sa pagitan ng mga motorista. Napag-alaman ng otoridad na prank lamang ang video na iyon at walang katotohanan.

Vloggers na sangkot sa road rage prank, kakasuhan ng pulisya
Men arguing with each other from their vehicles while driving (Photo: Comstock)
Source: Getty Images

Umani ng milyon-milyong views ang naturang video na ginawa ng tatlong vloggers. Humingi sila ng dispensa sa kanilang nagawa at aminado silang nagsisimula pa lamang sila. Nilinaw din nilang walang baril na ginamit sa naturang video.

Read also

OFW, nagkunwaring bibili sa tindahan ng ama para isurpresa ito

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling nilang magsilbing aral sa mga kagaya nilang nais maging vlogger na maging responsable sa mga video na kanilang ginagawa at ibinabahagi.

Kakaharap naman sa patong-patong na kaso ang mga vloggers. Ayon kay Police Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina City Police, tinatanggap naman ng pulisya ang paghingi ng dispensa ng 3 ngunit sasampahan pa rin sila ng kaso sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o Unlawful Use of Publication and Unlawful Utterances. Kakasuhan din sila ng alarm and scandal, at unjust vexation.

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Read also

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: