80-anyos na nag-aalaga pa rin sa kanyang 2 anak na may special needs, natulungan ng RTIA

80-anyos na nag-aalaga pa rin sa kanyang 2 anak na may special needs, natulungan ng RTIA

- Natulungan ng Raffy Tulfo in Action ang isang 80-anyos na ina na nag-iintindi pa rin sa kanyang mga anak na may special needs

- Pumanaw na ang mister nitong magsasaka na dating naghahanapbuhay para sa kanila

- Minsanan na lang naman sila kung madalaw ng kanilang apo na siyang nakapagbibigay sa kanila ng makakain kahit na paano

- Ang may-ari ng tindahan na kanilang nauutangan ang nagmalasakit na idulog sila kay Raffy Tulfo upang mabigyan sila ng tulong at masigurong may makakain sila araw-araw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabigyan ng tulong ni Raffy Tulfo ang 80-anyos na si Nanay Aurora na siyang nangangalaga sa kanyang dalawang anak niyang may-special needs.

Nalaman ng KAMI na ang kanilang kapitbahay at may-ari ng sari-sari store na kanilang nauutangan na si Luchie Deogracias ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action.

Read also

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

Nagmalasakit si Luchie sa mag-iina gayung saksi siya sa hirap na dinaranas ng mga ito sa paghahanap ng makakain nila sa araw-araw.

80-anyos na nag-aalaga pa rin sa kanyang 2 anak na may special needs, natulungan ng RTIA
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Minsanan lang daw kasing dumalaw ang apo ni Nanay Aurora sa isa nitong anak na magsasaka kaya naman minsan lang din sila nito madalhan ng makakain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung hindi ito pupunta, doon na nangungutang si Nanay Aurora sa tindahan ni Luchie.

Senior na rin ang isang anak ni Nanay Aurora subalit may sakit ito sa pag-iisip.

Pumanaw naman na ang mister nito kaya naman siya muli ang nagtitiyagang magtaguyod sa dalawang mga anak na hindi rin siya matulungan dahil sa kanilang kalagayan.

Dahil dito, magpapadala ng tulong si Raffy at Ralph Tulfo na may kabuuang halaga na Php100,000.

Sa halagang ito, makabibili raw sina Nanay Aurora ng mga biik na maari nilang pagkakitaan. Ito rin daw kasi ang ikinabubuhay nila noong kalakasan pa niya.

Read also

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

Gayundin ang munting pabuya nina Tulfo kay Luchie dahil sa pagmamalasakit nito sa kanyang kapitbahay na naghihikahos sa buhay. Tinanggihan pa nga ito ni Luchie at nais na lamang niya sana itong ibigay sa isa pa nilang kapitbahay na may karamdaman ngunit giit ni Tulfo na iba ang tulong na ibibigay nila roon.

Narito ang kabuuan ng nakaaantig ng pusong video:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica