70-anyos na basurerong nanakawan, nagawa pa ring mag-abot ng Php5 bilang tulong

70-anyos na basurerong nanakawan, nagawa pa ring mag-abot ng Php5 bilang tulong

- Kahanga-hanga ang 70-anyos na basurero na nagawa pa ring mag-abot ng Php5 sa nagpanggap na humihingi ng tulong

- Ang masaklap, nanakawan pa umano siya sa kabila ng kanyang sitwasyon kung saan kumikita siya ng hanggang Php200 kada araw

- Noong araw na iyon, Php150 ang kanyang kinita ngunit nagawa pa niyang ibigay ang kanyang Php5

- Hindi niya alam, ang nagpanggap na humingi sa kanya ng tulong ang siyang magbibigay ng biyaya sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakakantig ng puso ang ginawang ng isang 70-anyos na basurerong si Tatay Jowie sa taong nagpanggap na humihingi ng tulong.

Nalaman ng KAMI na ang nagpanggap na ito ay si Shiwen Lim, isang negosyante na namamahagi rin ng kanyang biyaya sa kababayan nating naghihikahos.

Nagtanong lamang si Shiwen kay Tatay Jowie kung saan ang daan patungong Angles na agad naman nitong naituro.

Read also

Vendor, kumita ng Php150,000 sa ilang araw lamang na paglalako ng torotot at laruan

70-anyos na basurerong nanakawan, nagawa pa ring mag-abot ng Php5 bilang tulong
70-anyos na si Tatay Jowie (Photo from Sabrinacio Clothing & Footwear)
Source: Facebook

Doon, unti-unti niyang inusisa ang kalagayan ng matanda. Napag-alaman niyang nangangalakal ito at kumikita ng hanggang Php200 kada araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Minsan pa nga raw siyang nanakawan na kahit na maliit lang ang kanya raw kinikita ay nagawa pa siyang lamangan.

Sinubukan ni Shiwen na magpanggap at manghingi ng kahit limang piso kay Tatay Jowie dahil naubusan na raw ng gasolina ang sinasakyan niyang motor.

Agad namang naglabas ng limang pisong barya ang lolo at iniabot ito kay Shiwen.

Hindi niya alam na ang kada piso na binigay niya kay Shiwen ay tutumbasan nito ng Php500.

Kaya naman masayang tinanggap ni Tatay Jowie ang Php2,500 na naging kapalit ng kanyang kabutihan dahil kahit siya ay kapos, nagawa pa rin niyang magbigay.

Ayon pa kay Tatay Jowie, ibinahabagi lamang niya ang biyayang natatanggap niya kaya kahit sa maliit na halaga, nagagawa pa rin niyang ibigay sa nangangailangan.

Read also

Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo

Narito ang kabuuan ng video mula sa Sabrinacio Clothing & Footwear na pagma-may-ari ni Shiwen:

Matatandaan ding si Shiwen ang mabait na taong nasa viral video na nagpangiti sa dalawang batang naglalako ng merienda dahil pinakyaw niya ang mga paninda nito.

Ang matulunging negosyante rin ang isa sa mga gumawa ng paraan para makalaya ang 72-anyos na tsuper na si Elmer Cordero na na-detain dahil sa pakikiisa sa inakalang rally sa may Edsa kasama ang mga ibang jeepney driver.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica