Vendor, kumita ng Php150,000 sa ilang araw lamang na paglalako ng torotot at laruan

Vendor, kumita ng Php150,000 sa ilang araw lamang na paglalako ng torotot at laruan

- Kahanga-hanga ang isang vendor na kumita ng Php150,000 sa paglalako niya ng torotot at laruan noong Kapaskuhan

- Nagsimula siyang rumaket ng mga torotot noong Disyembre 22 hanggang sa bisperas ng Bagong Taon

- Noon lamang Disyembre 31, tinapos nila ang taong 2021 nang may karagdagang 76,000 pesos na siyang bumuo sa Php150,000

- Ibinahagi naman niya ang mga napuntahan at pupuntahan ng kanilang pera kaya naman inunahan na niya ang mga nagbabalak na mangutang sa kanila na wala na umano silang hawak na perang maaring maipahiram pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang vendor at YouTuber na si Kuya Leo ng Kuya Leo Cares na nagawang kumita ng Php150,000 sa loob lamang ng ilang araw na paglalako.

Nalaman ng KAMI na noong Disyembre 22 ng nakaraang taong 2021, nagsimula silang maglako ng kanyang misis ng mga laruang maaring maipamasko.

Read also

Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo

Vendor, kumita ng Php150,000 sa ilang araw lamang na paglalako ng torotot at laruan
Photo: Kuya Leo (from Kuya Leo Cares)
Source: Facebook

Sinamahan din nila ito ng panindang torotot na patok namang tuwing Bagong Taon lalo na at ipinagbabawal na ang labis na pagpapaputok.

Matiyagang naglako sina Kuya Leo na hanggang sa bisperas ng Bagong Taon ay patuloy pa rin silang nagtitinda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 31, tinapos nila ang 2021 nang may kinita silang Php76,000. Ito ang bumuo sa Php150,000 na kita nila sa paglalako lamang sa loob ng ilang araw.

Aniya, naipamahagi na niya ito sa kaanak nila sa probinsya maging sa kanyang mga biyenan.

Nakabili na rin sila ng cabinet sa bahay at maipagpapagawa na rin daw nila ang kanilang sirang bintana.

Kaya naman nasbai ni Kuya Leo sa mga nagtatangka pang mangutang sa kanila, wala na raw silang salapi na maaring maipahiram.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire niyang video:

Read also

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

Tulad ni Kuya Leo, tila ang pagbibenta rin ang naging swerte ng online seller na si Madam Inutz.

Matatandaang sumikat si Madam Inutz sa kakaibang pamamaraan niya ng pagla-live selling kung saan imbis na mapabili ang kanyang mga tagapanood, nagre-request pa ang mga ito na mamura niya.

Ito ang naging daan para makilala siya ng kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino na nabigyan siya ng maraming oportunidad.

Isa na rito ang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother kung saan patuloy siyang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga hanggang sa makapasok siya sa Final 5.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel