Madam Inutz, first time makita ang plano ng kanyang new house: "Salamat sa aking manager"

Madam Inutz, first time makita ang plano ng kanyang new house: "Salamat sa aking manager"

- Ibinahagi ni Madam Inutz na first time pa lamang niyang makita ang architectural design ng kanyang magiging bagong tahanan

- Matatandaang ito ay handog sa kanya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino bago pa man siya noon pumasok sa PBB house

- Pinasalamatan niya ang manager na siyang katuwang niya sa pagtupad ng kanyang pangarap para sa kanyang pamilya

- Hindi man daw siya pinalad na mapasama sa top 2, laking pasalamat pa rin niya sa kanyang mga ka-Inutz na sumuporta sa kanya na makaabot sa Final 5

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng update si Madam Inutz patungkol sa bago nilang magiging tahanan ng kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na unang beses pa lamang umano makikita ni Madam Inutz ang architectural plan ng kanyang magiging tahanan at pinasalamatan niya ang mga architect at engineer na naging bahagi ng planong ito.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Madam Inutz, first time makita ang plano sa kanyang bahay: "Salamat sa aking manager"
Madam Inutz (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook
"FIRST TIME KONG MAKITA ANG ARCHITECTURAL PLAN NG BAHAY. PERO ANG INUTZ NYO INDI NAIINTINDIHAN‼️ TUNGENGAK LANG‼️ OOOW JIIIIEVA"

Pinasalamatan din niya ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino na naging instrumento upang unti-unti nang makamit ni Madam Inutz ang kanyang dating pinapangarap lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ang bahay ay handog ng kanyang Sir Wil, bago pa man siya pumasok noon sa Pinoy Big Brother house.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga ka-Inutz dahil kahit hindi siya pinalad na mapabilang sa Top 2 ng celebrity edition ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, nakapasok naman siya sa Final 5 dahil sa mga sumuporta sa kanya lalo na ang kanyang 'Sir Wil.'

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Kabilang si Madam Inutz sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Celebrity edition Season 10 kung saan dalawa ang hinirang na Big winners na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Isa sa mga kontrobersiyang hinarap ni Madam Inutz sa loob ng bahay ni Kuya ay ang pahayag niya sa nominasyon kung saan dalawang puntos ang naibigay niya noon kay Chie Filomeno dahil sa wala umano itong ibang ginawa kundi ang magpaganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel