Wilbert Tolentino sa fans ni Sam Bernardo: "3 nomination sinalba ko kayo"

Wilbert Tolentino sa fans ni Sam Bernardo: "3 nomination sinalba ko kayo"

- Sunod-sunod ang mga naging tweet ni Wilbert Tolentino mula nang i-anunsyo ang top 2 ng 'Pinoy Big Brother' celebrity edition Season 10

- Ito ay kaugnay sa umano'y mga akusasyon ng fans ni Samantha Bernardo na nilaglag daw sila ni Wilbert

- Una nang naglabas ng pahayag si Wilbert kaugnay dito at sinabing may kasunduan na talaga sila ni Samantha at ng manager nito

- Parehong hindi pinalad na makapasok sa Top 2 sina Samantha at Madam Inutz habang sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang hinirang na mga nanalo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila hindi pa rin tinantanan ng mga fans ni Samantha Bernardo ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na naging sunod-sunod umano ang naging tweet ni Wilbert dahil umano sa sinasabi ng fans ni Samantha kaugnay sa votes to evict nito sa huling minuto ng botohan para sa Pinoy Big Brother Celebrity edition Season 10.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Wilbert Tolentino sa fans ni Sam Bernardo: "3 nomination sinalba ko kayo"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Sa kanyang tweet nasabi ni Wilbert na tatlong beses niyang naisalba nang manganib si Samantha sa eviction bago pa man ito umabot sa Final 5.

Subalit tila ang mga fans nito ang 'ungrateful' sa pagsalbang ito na patuloy pa rin umano siyang pinararatangan ng paglaglag sa kanilang idolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"3 nomination sinalba ko kayo. indi kayo grateful. yung BBE x10 sinadya ko para makita ng buong Samber at SAMLY," ang bahagi ng tweet ni Wilbert.

Ayon pa kay Wilbert, nangako umano ang mga fans ng collab subalit inulan pa rin umano ng votes to evict ang alaga niyang si Madam Inutz.

"Nangako kayo, naka-collab tapos kami ang inulan nyo ng BBE," dagdag pa ni Wilbert.

Bago pa ito, ibinahagi na ni Wilbert ang naging usapan nila sa chat ng manager ni Samantha na si Jam Melitante kung saan makikitang nagpasalamat pa ito sa matinding suporta rin ni Wilbert kay Sam.

Read also

Wilbert Tolentino, ipinakita ang convo nila ng manager ni Samantha Bernardo

Narito ang kabuuan ng tweet:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Naging maingay ang pangalan ni Wilbert sa social media kamakailan dahil sa makailang beses niyang pagsalba at pagbibigay ng todo suporta sa kanyang alaga na si Madam Inutz.

Isa si Madam Inutz sa mga pinalad na mapabilang sa Final 5 kung saan hinirang ang top 2 sa kanila na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel