Shoe store owner, viral sa pagtulong sa mga empleyado at iba pang hirap sa buhay
- Kahanga-hanga ang negosyanteng ito na walang tigil ang pagtulong sa kapwa
- Lalo na ngayong panahon ng pandemya, hindi niya pinabayaan ang kanyang mga empleyado
- Maging sa ibang tao na kanyang nakakasalubong o nakakasalamuha lamang at alam niyang nangangailangan ng tulong,
- Ipinakikita niya ito sa kapwa para mahikayat niya ang mga ito na tumulong din sa paraang kaya nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sadyang nakakabilib ang dedikasyon ng negosyanteng si Shiwen Lim sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Nalaman ng KAMI na makailang beses nang nag-viral ang post at mga video ni Shiwen na nagpapakita ng pagtulong niya sa kapwa.
Kamakailan ay napansin na rin ng GMA News ang kabutihang ginagawa ng negosyante. Doon, nabanggit na bago pa man maging matagumpay na negosyante si Shiwen ay naranasan niyang maging kargador, panadero at tindero.
Marahil, bilang naranasan niya ang mahirapan sa buhay, ito ang nag-udyok sa kanya na mamahagi ng biyayang kanyang tinatamasa ngayong nakakaluwag-luwag na siya.
Wala pa kasing isang taon ay napalago na niya ang kanyang shoe store business na nasa 60 na mga branches sa iba't ibang bahagi ng bansa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil sa sa tinatamasang biyaya, hindi rin niya nakakalimutang alalayan ang kanyang masisipag na empleyado lalo na at ramdam ng bawat isang ang krisis na dulot ng COVID-19.
Saksi ang kanyang mga empleyado sa kabutihan ni Shiwen dahil marami na raw talaga itong natutulungan.
Tulad na lamang ng mga nakita niya sa daan na 16 na construction workers na naglalakad mula Mabalacat, Pampanga patungong Rizal.
Ramdam ni Shiwen ang hirap at pagod ng mga ito kaya dinala niya ito sa pansamantala nilang matutuluyan, pinakain at ginawan ng paraan na makasakay ang mga ito para makauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.
Isa rin sa mga natulungan ni Shiwen ang pamilya ng isang jeepney driver na ang mga anak ay napilitang mamalimos. Nabigyan niya ito ng isang buwang ayuda upang kahit na paano'y makaraos sa ilang buwan nilang paghihirap.
Narito ang kabuuan ng panayam ng 24 oras kay Shiwen:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaan ding si Shiwen ang mabait na taong nasa viral video na nagpangiti sa dalawang batang naglalako ng merienda dahil pinakyaw niya ang mga paninda nito.
Ang matulunging negosyante rin ang isa sa mga gumawa ng paraan para makalaya ang 72-anyos na tsuper na si Elmer Cordero na na-detain dahil sa pakikiisa sa inakalang rally sa may Edsa kasama ang mga ibang jeepney driver.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh