Konduktor ng bus, nag-shopping at kumain sa fast food sa kasagsagan ng traffic
- Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa kasagsagan ng traffic
- Aniya, nagpaalam umano ang kundoktor ng bus na kanyang sinasakyan habang nasa kalagitnaan ng traffic
- Kwento ni Charles Caviteño, sa sobrang traffic ay nagawa na mag shopping at mag dine in sa fastfood ng konduktor ng bus
- Agad na nag-viral ang kanyang post at umani ng samu't-saring reaksiyon ang post na ito ni Charles
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ngayon ang post ng Facebook user na si Charles Caviteño matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan na nagpakita kung gaano katindi ang dinanas niyang traffic habang nakasakay sa bus.
Aniya, nagpaalam umano ang kundoktor ng bus na kanyang sinasakyan habang nasa kalagitnaan ng traffic. Kwento ni Charles, sa sobrang traffic ay nagawa na mag shopping at mag dine in sa fastfood ng konduktor ng bus.
Naganap ito sa Tejero, isang barangay sa lungsod ng General Trias, Cavite.
ETO MATINDE, SA SOBRANG TRAFFIC SA TEJERO nagpaalam muna yung kundoktor sa driver nya, mamimili daw muna sya sa Robinson. After 1 hr. Tapos na mamili, nag mang inasal pa sya at nag yosi pa habang iniinggit kaming mga pasahero na nakatunganga dahil sa sobrang traffic sa tejero. Ayaw ko na sa earth! (Tejero area)
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:
Ilang taon nang ganyan dito kakaloka, sasakay ka nang fresh bababa ka nang bilasa.
Dapat magusap na dalawang LGU paano i manage yan kasi pag go sa Tejero, pagdating mo sa tulay pagpasok ng Tanza, naka stop so magbabara talaga. Andyan rin ako kanina sa EPZA pa lang halos dalawang oras.
Aba'y legit, nakaka tatlong panaginip na ako't lahat eh pagmulat ko Tejero pa den
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.
Source: KAMI.com.gh