Mag-amang pinagtatawanan noon sa pagsasaka ng walang kalabaw, pinasalamatan si Tulfo
- Natanggap na ng pamilya ng magsasakang pinagtatawanan dahil nagsasaka ng walang kalabaw ang mga handog sa kanila ni Raffy Tulfo
- Bukod kasi sa kalabaw, ipinaayos ni Tulfo ang kanilang bubong at nagbigay pa ito ng mga kagamitan sa bahay kasama na ang telebisyon
- Nagpaabot din ng tulong pinansyal si Tulfo para sa mga gastusin ng mag-anak
- Labis-labis ang pasasalamat ng mag-ama at kanilang pamilya sa mga natanggap nilang biyaya na malaking bagay na para maibsan ang matinding hirap ng pag-aararo nila noon na walang kalabaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Napalitan na ng mga ngiti ang dating luha ni Ismael Malabat at anak nito nang matanggap na nila ang kalabaw na bigay sa kanila ni Raffy Tulfo.
Matatandaang sina Ismael ang mag-amang dating pinagtatawanan ng mga nakakakita sa kanila dahil nagsasaka sila ng walang kalabaw.
Halinhinan sila noon ng kanyang anak sa paghila ng kanilang inaararo gayung wala silang pambili ng kalabaw na siyang gagawa sana nito.
Dahil dito labis na naantig ang puso ni Tulfo sa kalagayan ni Tatay Ismael. Noon lamang daw siya nakakita ng gawain sana ng kalabaw sa sakahan na tao ang gumagawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya naman bukod sa Php38,000 na pambili ng kalabaw ni Tatay Ismael, ginawa na niya itong Php100,000 kasama na ang iba nilang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Pinagawa na rin ni Tulfo ang bubong ng tahanan nina Ismael at binilhan niya rin ito ng ilang kagamitan sa bahay. Isa na rito ang kutson para may maayos silang higaan gayundin ang telebisyon kung saan mapapanood na raw nila ang kanilang Idol Raffy.
Labis na nagpasalamat si Tatay Ismael kay Tulfo sa mga biyayang naibigay nito sa kanya na makapagbabago raw ng kanilang buhay.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh