Nagpabakuna kontra COVID-19, nagka-love life at magkasabay na sa kanilang 2nd dose
- Nag-viral ang kwento ng dalawang nagpabakuna kontra COVID-19 na biglang nagkaroon ng love life
- Unang nag-viral ang kanilang kwento sa TikTok at naibahagi rin ang kanilang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho
- Napansin na nila ang isa't isa sa first dose ng kanilang pagbabakuna kontra COVID-19 hanggang sa nahanap ang isa't isa sa social media
- Sa second dose nila, sabay na silang pumunta sa vaccination site at inaming mayroon na silang 'mutual understanding'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagpakilig sa marami ang nakakatuwang kwento ng pag-iibigan nina Alexandra Lozada at Jay Basa na nagkasabay lamang umano na magpabakuna kontra COVID-19.
Nalaman ng KAMI na unang napansin ang kwento nila sa TikTok at ngayong Nobyembre 28, ibianahgi rin ang kanilang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Napansin na nila sa isa't isa nang sila ay nakapila sa pagbabakuna.
Katunayan, pumuslit na ng picture gamit ang kanyang camera phone si Alexandra.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala si Jay, hinanap naman agad si Alexandra sa social media. Masuwerte siyang schoolmate pala ito ng kanyang pinsan kaya agad niyang na-gollow ito sa Instagram.
Doon na nagsimula ang kanilang pag-uusap kaya naman napagkasunduan na magsabay na sa kanilang second dose.
Matapos nilang magpabakuna, diretso na rin sila sa kailang unang date.
Paglilinaw ng dalawa, nasa 'getting to know stage' pa lamang sila subalit aminadong mayroon nang 'mutual understanding.'
Narito ang kabuuan ng video mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Matatandaang naitampok din sa KMJS ang nag-viral na magkababatang nahanap ang isa't isa sa pamamagitan ng TikTok post ng babae na hinahanap ang dati niyang kalaro.
Bagaman at maraming nagpakilalang sila ang batang lalaki sa larawan ni Julienne o 'Yen', tanging si Kenneth o 'Ken' ang nakapagpatunay na siya nga ang kababata niti.
Sa tulong ng KMJS nagkita ang dalawa na nasa magkaibang bahagi lamang ng Palawan.
Sa ngayon, mayroon na silang YouTube channel kung saan mayroon na silang na halos kalahating milyong subscribers dahil marami ang sumubaybay sa kinahinatnan na ng kanilang pagkikita.
Source: KAMI.com.gh