Basel Manadil, niregaluhan ng laptop na may halagang halos Php90K ang kanyang empleyado

Basel Manadil, niregaluhan ng laptop na may halagang halos Php90K ang kanyang empleyado

- Sinurpresa ni Basel Manadil ang kanyang empleyado ng bagong laptop

- Birthday daw kasi nito at naging maayos naman ito sa kanyang trabaho

- Naluha sa saya ang kanyang kanyang staff nang makita ang mamahaling laptop na nagkakahalaga ng halos Php90,000

- Nakisaya pa si Basel sa pamilya ng kanyang empleyadong si Lanny sa munting selebrasyon nito sa kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang isa sa mga empleyado ni Basel Manadil na si Lanny nang makita ang birthday gift nito sa kanya.

Nalaman ng KAMI na dahil nagdiwang ng kaarawan si Lanny, niregaluhan siya ni Basel ng laptop na nagkakahalaga ng nasa Php90,000.

Basel Manadil, niregaluhan ng laptop na may halagang halos Php90K ang kanyang empleyado
Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

Ayon sa kilalang vlogger na matulungin, deserve ni Lanny ang regalo gayung naging maayos ito sa kanyang trabaho sa loob ng halos isang taon.

Read also

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Talagang naging emosyonal si Lanny nang ipakita na ni Basel ang regalo nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, nakisaya pa si Basel sa pamilya ni Lanny sa munting salo-salo kanilang tahanan.

Dahil dito, tila marami sa mga nakapanood ng video ang nagsasabing nais na rin nilang maging boss si Basel.

Narito ang kanilang mga komento:

"Sobrang bait ni Basel sa mga staff niya, parang napakagaan niyang maging boss"
"Gaganahan lalong magtrabaho ang employee kung ganyan kagalante ang amo"
"Napakabuti mo talaga po Hungry Syrian, grabe ba mag-share ng blessings"
"Paano po mag-apply sa inyo sir Basel? Sana lahat po ng boss tulad niyo po"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Read also

Paolo Contis, usap-usapan matapos i-tag si Yen Santos sa kanyang IG post

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.

Kamakailan, pinaaga nito ang pasko sa mga street vendors na nadaanan lamang niya ngunit nabigyan niya ng malaking tulong na maiuuwi ng mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: