Paolo Contis, usap-usapan matapos i-tag si Yen Santos sa kanyang IG post

Paolo Contis, usap-usapan matapos i-tag si Yen Santos sa kanyang IG post

- Sa kanyang Instagram Story ay bumati si Paolo Contis ng Good Morning at hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng netizens na naka-tag dito si Yen Santos

- Naging samu't-sari ang reaksiyon ng mga tao dahil may mga naniniwala pa ring may relasyon ang dalawa

- Ito ay sa kabila ng ginawang paglilinaw ni Paolo na kaibigan lamang niya ang aktres na nakasama niya sa isang pelikula kamakailan

- Naging mainit ang isyu lalo at nasabay ito sa paglabas sa publiko ng tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang ilang linggo na hindi na masyadong napag-uuspan ang isyu ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes, muling lumikha ng ingay ang isang Instagram post ni Paolo Contis kung saan bumati siya ng Good Morning.

Paolo Contis, usap-usapan matapos i-tag si Yen Santos sa kanyang IG post
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens ang pagkakatag ni Yen Santos sa kanyang post.

Read also

Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

Naging samu't-sari ang reaksiyon ng mga tao dahil may mga naniniwala pa ring may relasyon ang dalawa. Ito ay sa kabila ng ginawang paglilinaw ni Paolo na kaibigan lamang niya ang aktres na nakasama niya sa isang pelikula kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, sa kasalukuyan ay wala na ito sa kanyang IG Story. Bagkus, ang kanyang IG Story ay isang IG post na mula sa isang Instagram page na nagpopost ng motivational videos. Ito ay tungkol sa mga uri ng pag-iisip ng tao base sa kanilang pinag-uusapan.

Small minds discuss other people, gossip. Good minds discuss events. Great minds discuss ideas.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Sa pinakahuling panayam kay LJ Reyes ni Boy Abunda,nabanggit nito na hindi pa rin nagpaparamdam si Paolo sa kanilang mag-iina mula nang pumunta sila sa Amerika nang magkahiwalay sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel