Raffy Tulfo at Manny Pacquiao, pinuntahan ang 101-anyos na avid fan nila sa Cebu

Raffy Tulfo at Manny Pacquiao, pinuntahan ang 101-anyos na avid fan nila sa Cebu

- Natupad ang kahilingan ng 101-anyos na avid fan nina Raffy Tulfo at Manny Pacquiao

- Unang nakausap nina Tulfo at Pacquiao si Lola Dolores noong Setyembre at nangako silang bibisitahin nila ito

- Kamakailan, ibinahagi sa Raffy Tulfo vlogs ang mga kaganapan sa masayang pagkikita nila ni Lola Dolores

- Halos hindi na bitiwan ni Lola Dolores si Senator Manny nang mahawakan niya ito na ayon kay Tulfo ay dahil sa avid fan talaga si lola ng boxing senator

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natupad na ang hiling ni Lola Dolores Go ng Cebu na makita at makasama ang kanyang mga iniidolo na sina Raffy Tulfo at Senator Manny Pacquiao.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay isa sa mga sinadya nina Tulfo at Pacquiao sa Cebu ay ang 101-anyos nilang avid fan na si Lola Dolores.

Read also

Dennis Padilla, maraming ibinisto tungkol kina Janno at Andrew E: "Marami ring lihim si Janno"

Raffy Tulfo at Manny Pacquiao, pinuntahan ang 101-anyos na avid fan nila sa Cebu
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Matatandaang noong Setyembre, una nang nakausap nina Tulfo at Pacquiao ang lola sa programang 'Raffy Tulfo in Action.' Doon pa lamang labis na ang kasiyahan ni Lola Dolores nang paunalakan siya na makausap ang kanyang mga idolo.

Doon din nasabi ng dalawa na sa Oktubre nila dadalawin si Lola Dolores na kanila ngang tinupad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakisaya sila sa birthday celebration ng lola na nagdiwang ng kanyang ika-101 na kaarawan.

Nang mahawakan na nito ang kamay ng idolo at presidential bet niyang si Manny Pacquiao, napansin ni Tulfo hindi na ito bitiwan ng lola.

Kung sa una nilang pag-uusap ay nagpadala ng tatting ng handicrafts na siya mismo ang gumawa, nang magkita naman sila nina Tulfo at Pacquiao, alkansiya naman ang binigay niya sa mga ito.

Narito ang kabuuan ng masaya nilang pagkikita na mula sa Raffy Tulfo vlogs:

Read also

Lola Francisca na tinaguriang "Oldest Pinoy", pumanaw sa edad na 124

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Sa ngayon, isa sa mga tatakbo bilang senador si Tulfo sa darating na Halalan 2022.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel