Lola Francisca na tinaguriang "Oldest Pinoy", pumanaw sa edad na 124

Lola Francisca na tinaguriang "Oldest Pinoy", pumanaw sa edad na 124

- Sumakabilang buhay na ang tinguriang "Oldest Pinoy" na si Lola Francisca

- Kinumpirma ito ng City Government of Kabankalan na taos-pusong nakiramay sa kanyang pagpanaw

- Bandang 6:45 ng gabi ng Nobyembre 22 idineklarang wala nang buhay si Lola Iska

- Matatandaang nagdiwang pa ito ng kanyang ika-124 na kaarawan nito lamang Setyembre 11

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pumanaw na ang tinaguriang "oldest Pinoy" na si Lola Francisca Susano sa edad na 124.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ito ng kanilang lugar, ang City Government of Kabankalan na taos-pusong nakikiramay sa pamilyang naiwan ni Lola Iska.

Bandang 6:45 ng gabi noong Nobyembre 22 idineklarang wala nang buhay ang maaring pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo.

Lola Francisca na tinaguriang "Oldest Pinoy", pumanaw sa edad na 124
Lola Francisca Susano (Photo from Lovely Hopea Silva Dilao)
Source: Facebook

Nito lamang Setyembre 11, matatandaang nagdiwang pa ng kanyang ika 124 na kaarawan si Lola Iska.

Read also

Christian Merck Grey, pina-trademark sa kanyang asawa ang pangalang "Makaganda"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong Martes, Nobyembre 23, bagaman at hindi kinakitaan ng sintomas, sasailalim pa rin siya sa COVID-19 test. Hindi pa natutukoy ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

Samantala, sa pagsapit din ng kanyang kaarawan noong Setyembre, bineberipika pa rin ng Guinness World Records ang mga dokumentong kinakailangan upang tanghalin siyang "world's oldest living person."

Sa ngayon kasi, Jeanne Louise Calment galing Arles France na umano'y may edad na 122 ang tinaguriang 'oldest living person in the world'.

Samantala, ang isang anak din ni Lola Iska na si Magdalena ay umabot na rin sa sentenaryong edad. Katunayan, 101 taon na raw ito.

Kwento ng pamilya nina Lola Francisca at anak nitong si Magdalena na pawang gulay ang madalas na kainin ng dalawa.

Pinaniniwalaang ito umano ang dahilan kung bakit lumampas sa isang daang taon ang mga edad nito.

Read also

Mylene Dizon, kinaaliwan matapos nitong makaligtaang magpantalon sa isang zoom session

14 ang mga naging anak ni Lola Francisca. 16 naman ang inabot niyang presidente na mula pa kay Emilio Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang Pangulo Rodrigo Duterte.

Kamakailan, nag-tandem sina Raffy Tulfo at Senator Manny Pacquiao upang mapasaya ang isang 101 anyos na mula sa Cebu. Ayon kasi sa lola, idolo niya ang dalawa kaya naman niregaluhan niya ang mga ito ng ginagawa niyang handicrafts.

Dahil dito, sasadyain daw nina Tulfo at Pacquiao ang lola sa Cebu upang lalong sumaya ang kaarawan nito.

Hinandugan din ni Pacquiao ang kanyang fan ng Php101,000 sa pag-abot nito ng edad na 101 habang si Tulfo naman ay nagbigay ng karagdagang Php50,000.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel