Dennis Padilla, maraming ibinisto tungkol kina Janno at Andrew E: "Marami ring lihim si Janno"

Dennis Padilla, maraming ibinisto tungkol kina Janno at Andrew E: "Marami ring lihim si Janno"

- Maraming naisiwalat si Dennis Padilla tungkol sa kanyang mga kaibigan na sina Janno Gibbs at Andrew E

- Isa na rito ang pagiging 'matino' ni Andrew E na wala raw talagang bisyo

- Aminado naman siyang tulad niya, marami raw lihim si Janno Gibbs

- Ipalalabas na rin ang pelikula nilang tatlo na mapapanood sa VivaMax simula December 31

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makulit ang naging part 2 ng panayam ni Aiko Melendez kay Dennis Padilla. Marami kasing naisiwalat si Dennis tungkol sa dalawa niyang kaibigang sina Janno Gibbs at Andrew E.

Nalaman ng KAMI na sa tatlo, aminado si Dennis na siya ang pinaka-mabisyo lalo na sa pag-inom. Habang si Andrew E raw umano ay hindi nagsisigarilyo at hindi rin nag-iinom ng alak.

Dennis Padilla, maraming ibinisto tungkol kina Janno at Andrew E: "Marami ring lihim si Janno"
Dennis Padilla kasama ang anak na si Julia Barretto (@dennisastig)
Source: Instagram

Sa kanilang tatlo, nabanggit din niyang si Andrew ang pinaka-mapera.

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

"Kasi songwriter siya, nabebenta niya kahit sa ibang artist," paliwanag ni Dennis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa mga naitanong sa kanya ni Aiko ay kung sino sa kanilang tatlo ang may pinakamaraming nakarelasyon. Inakala pa ni Aiko na si Dennis ito ngunit sinabi ng aktor na mas maraming nakarelasyon si Janno.

"Hindi, mas marami si Janno. Kailangan siya mag-guest para maipagtanggol niya sarili niya," pahayag ni Dennis.

Naikwento rin ni Dennis na pareho lamang sila ng pagiging mainitin ang ulo ni Janno na nilarawan pa niyang 'sumpungin.'

Dahil dito, masasabi raw ni Dennis na talagang si Andrew E ang pinaka-good boy sa kanilang tatlo.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Dennis Padilla mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia, o kilala bilang si Dennis Padilla ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ng beteranong aktor na si Dencio Padilla. Siya rin ang ama ng kilalang aktres na si Julia Barretto.

Read also

Dennis Padilla sa itinuturing pa rin na anak na si Dani Barretto: "I think hindi naman siya galit sa'kin"

Matatandaang naging kontrobersyal noon ang naging interview sa kanya ng kanyang anak na si Julia dahil na rin sa mga tanong nito sa kanya na emosyonal naman niyang sinagot isa-isa.

Samantala, sa Disyembre 31 ay mapapanood na rin sa Viva Max ang part 2 ng kanyang pelikula kasama ang malalapit niyang kaibigan na sina Janno Gibbs at Andrew E.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel