Dennis Padilla sa itinuturing pa rin na anak na si Dani Barretto: "I think hindi naman siya galit sa'kin"
- Isa sa mga naitanong ni Aiko Melendez kay Dennis Padilla ay ang relasyon nito sa itinuturing pa rin na anak na si Dani Barretto
- Naniniwala siyang hindi raw ito galit sa kanya dahil na rin sa mas mature raw ang isip nito
- Naikwento rin ni Dennis na dati pa lang 'Baldivia' o ang kanyang tunay na apelyido ang ginagamit ni Dani
- Nang magkahiwalay na lamang sila ni Marjorie, saka lamang daw nito pinalitan ang apelyido niya ng Barretto
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa panayam ni Aiko Melendez kay Dennis Padilla, naikwento nito ang kasalukuyang pakikitungo niya sa itinuturing din niyang anak na si Dani Barretto.
Nalaman ng KAMI na hanggang ngayon ay nagkakausap sila nito at sa palagay ni Dennis na hindi naman galit si Dani sa kanya.
"I still consider her my daughter because many years in her young life she was using may family name. She was a Baldivia"
Ang 'Baldivia' ang tunay na apeyido ni Dennis. Aniya, pinalitan na lamang ni Dani ng Barretto ang kanyang apelyido nang maghiwalay sila ni Marjorie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon pa kay Dennis, mas mature umano si Dani gayung ito ang panganay sa magkakapatid.
Pagdating sa kanyang mga anak, laging nagiging emosyonal si Dennis. Wala raw siyang ibang hiling sa ngayong kundi mapagsama ang lahat ng kanyang mga anak sa iisang larawan kasama siya.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Dennis na mapapanood sa YouTube channel ni Aiko Melendez:
Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia, o kilala bilang si Dennis Padilla ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ng beteranong aktor na si Dencio Padilla. Siya rin ang ama ng kilalang aktres na si Julia Barretto.
Matatandaang naging kontrobersyal noon ang naging interview sa kanya ng kanyang anak na si Julia dahil na rin sa mga tanong nito sa kanya na emosyonal naman niyang sinagot isa-isa.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh