Raffy Tulfo, pagtulong pa rin sa mahihirap ang dahilan ng pagtakbo sa senado

Raffy Tulfo, pagtulong pa rin sa mahihirap ang dahilan ng pagtakbo sa senado

- Naglabas na ng pahayag si raffy Tulfo tungkol sa kanyang pagkandidato sa pagka-senador ng bansa

- Agad siyang nagpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya at sa desisyon niyang tumakbo bilang senador

- Nilinaw din niyang 'independent party' siya at walang inaaniban na partido

- Kapansin-pansin na ang rason pa rin niya sa pagtakbo sa senado ay ang mas maayos pang matulungan ang mga kababayang kapos-palad at nangangailangan ng tulong

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng opisyal na pahayag si Raffy Tulfo kaugnay ng pagtakbo niya bilang senador sa Eleksyon 2022.

Nalaman ng KAMI na ilang oras matapos siya mag-file ng certificate of candidacy ay ibinahagi niya sa kanyang facebook page na Idol Raffy Tulfo ang naging rason niya sa pag-kandidato sa nasabing posisyon.

Raffy Tulfo, pagtulong pa rin sa mahihirap ang dahilan ng pagtakbo sa senado
Raffy Tulfo (Idol Raffy Tulfo)
Source: Facebook

Kapansin-pansin ang ang pagtulong pa rin sa mga kababayang kapos-palad ang rason nit Tulfo kung bakit nais niyang palarin na maging isa sa mahahalal na senador sa Eleksyon 2022.

Read also

Candy Pangilinan, humingi ng dispensa matapos i-congratulate si Alex Gonzaga sa post nito

"Palagi silang nadedehado at mabilis na nalalampaso ang kanilang mga karapatan, lalo na't 'pag mayayaman at makapangyarihan ang kanilang nababangga, kaya madalas nating marinig sa kanila na hindi patas ang batas"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, ang mga ganitong klase ng pangyayari ang hindi raw dapat na pinahihintulutan pang mangyari sa lipunan.

Pinasalamatan din niya ang mga taong patuloy siyang sinusuportahan hanggang ngayon sa pagtahak niya ng bagong landas sa pagseserbisyo sa bayan.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilala at batikang news anchor sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Noli De Castro, umatras na sa pagkandidato bilang senador sa Eleksyon 2022

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Nito lamang Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica