Dating sumisisid ng barya sa pier, may masters degree na ngayon
- Marami ang humanga sa isang guro na dati palang sumisisid ng barya sa pier magkaroon lamang ng pera
- Bukod sa nakatapos na siya ng kolehiyo, mayroon na rin siyang masters degree
- Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay, hindi pa rin niya kinalimutan kung ano ang kanyang nakaraan na siyang naging inspirasyon niya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap
- Sa ngayon, nagtuturo rin siya ng IPED o Indigenous Peoples Education sa kanilang lugar
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tunay na nakaka-inspire ang kwento ng tagumpay ni Teacher Arlene Alex na kanyang naibahagi sa social media.
Nalaman ng KAMI na isa umano si Teacher Arlene sa mga sumisisid ng barya sa pier para lamang may kitaing pera.
Dala ng kanyang kasipagan at determinasyon, natupad ang dati lamang niyang pinapangarap na makapagtapos ng kolehiyo.
Sa edad na 22, isa sa mga mithiin niya ang nakamit ngunit hindi pa rin siya tumigil.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kanyang TikTok video, ipinakita kung gaano siya kumapit sa kanyang pananampalataya kaya naman nakamit niya ang mga bagay na noo'y ipinagdarasal lamang niya dati.
"Congrats self! Buti di ka bumitaw kahit marami ang hindi naniwala," ang naibahagi pa niya sa kanyang video.
Sa ngayon, guro si Teacher Arlene ng Indigenous Peoples Education sa kanilang lugar.
Narito ang komento ng mga netizens nahumanga at na-inspire kay Teacher Arlene.
"Very inspiring po ang kwento mo ma'am, makita po sana ito ng mga kabataang nagsusumikap sa buhay"
"Patunay ka po ma'am na walang imposible sa taong determinadong umangat sa buhay"
"Sana ma-KMJS ka po mam kasi nakaka-inspire po ang buhay mo"
"Guro rin po ako pero wala pa masteral, pero kayo mam sa kabila ng kahirapan ng buhay tapos na! Binabati ko po kayo"
Isang patunay si Teacher Arlene na lahat ng pangarap ay maaring makamit kung sasamahan ito ng pagpupursige, determinasyon at dasal.
Sa kanya pang napiling propesyon, makapagbibigay pa siya ng inspirasyon sa mga kabataan na huwag basta susukuan ang mga pangarap.
Tulad niya, sa takdang panahon, agad niyang nakamit ang dati lamang na ipinagdarasal na kahilingan.
Dahil dito, higit pa ang ipinagkaloob sa kanya na labis naman niyang ipinagpapasalamat.
Source: KAMI.com.gh