Dennis Padilla, nilanaw na patungkol sa ama ang na-repost mula kay Ivana Alawi

Dennis Padilla, nilanaw na patungkol sa ama ang na-repost mula kay Ivana Alawi

- Nilinaw ni Dennis Padilla na hindi patungkol sa mga ang na-repost niya mula kay Ivana Alawi

- Naranas kasi niya umanong ma-bash kaugnay nito sa pag-aakalang ang mga anak niya ang kanyang pinatutungkulan dito

- Nami-miss lamang daw niya ang yumaong ama na isang artista rin na si Dencio Padilla

- Sa isa umanong komento ng netizen na labis ang naibato sa kanyang mga salita, doon maayos na sinagot ni Dennis na hindi iyon para sa kanyang mga anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan nina Dennis Padilla at Aiko Melendez sa YouTube channel nito ay ang isang post ni Ivana Alawi na nagawa namang i-share ni Dennis sa kanyang social media.

Nalaman ng KAMI na nilinaw ni Dennis na hindi umano para sa kanyang mga anak ang naturang repost kundi sa patungkol sa yumaong ama na isa ring artista, walang iba kundi si Dencio Padilla.

Read also

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Dennis Padilla, nilanaw na patungkol sa ama ang na-repost mula kay Ivana Alawi
Dennis Padilla kasama ang anak na si Julia Barretto (@dennisastig)
Source: Instagram

"Naalala ko kasi 'yung tatay ko. Kasi panganay ako sa magkakapatid. May times na 'pag panganay ka kasi ang kailangan mo noon tatay e. Kasi minsan may mga bagay na hindi mo masabi sa nanay mo... Kaya na-miss ko kaya ko pinost 'yun," paglilinaw ni Dennis.

Kaya naman laking gulat niya umano nang makatanggap siya ng pamba-bash sa pag-aakala ng mga tao na patungkol iyon sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga komento pa ay labis na masasakit umanong paratang ang kanyang natanggap kaya minabuti niyang sagutin ito sa maayos na paraan.

"Nag-message naman ako, sabi ko I posted that regarding parent because I miss my dad. Hindi naman lahat ng bagay na ipino-post ko sa parents ay tungkol sa akin o tungkol sa mga anak ko"

Read also

Kim Chiu, nagbahagi ng kanyang appreciation post sa face shield

Narito ang kabuuan ng panayam kay Dennis Padilla mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia, o kilala bilang si Dennis Padilla ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ng beteranong aktor na si Dencio Padilla. Siya rin ang ama ng kilalang aktres na si Julia Barretto.

Matatandaang naging kontrobersyal noon ang naging interview sa kanya ng kanyang anak na si Julia dahil na rin sa mga tanong nito sa kanya na emosyonal naman niyang sinagot isa-isa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel