Kim Chiu, nagbahagi ng kanyang appreciation post sa face shield

Kim Chiu, nagbahagi ng kanyang appreciation post sa face shield

- Sa kanyang Instagram post, isang appreciation letter ang ibinahagi ni Kim Chiu na kinagiliwan ng mga netizens

- Gayunpaman, hindi para sa tao kundi para sa face shield ang kanyang ibinahaging sulat na tila ba nagpapaalam

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang post na ito ni Kim kung saan ibinahagi niya rin ang kanyang pictures na nakasuot ng face shield

- Matatandaang kamakailan lang nang ianunsiyo na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shield sa mga pampublikong lugar maliban lamang sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa anunsiyong hindi na kailangan magsuot ng face shield sa mga pampublikong lugar, marami ang mga nagdiwang at natuwa.Kinaaliwan ang post ni Kim Chiu kung saan ibinahagi niya ang isang sulat na nagpapaalam sa face shield.

Kim Chiu, nagbahagi ng kanyang appreciation post sa face shield
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Nagpasalamat siya sa halos dalawang taon na aniya'y pinagsamahan nila. Aniya, masaya siya sa pagdating nito sa buhay niya dahil sa pag-protekta nito sa kanya sa bagay na kinatatakutan niya. Dagdag pa niya, naiinis siya minsan ngunit wala siyang narinig na reklamo.

Read also

Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, almost two years din tayong mag-ON, masaya ako na dumating ka sa buhay ko kahit minsan naiinis nako sayo pero wala akong narinig na reklamo mula sayo, salamat sa pag protekta sakin sa mga bagay na kinakatakutan ko. Ikaw pa nga ang unang humaharap.

Nagpasalamat siya sa lahat at nagpaalam. Aniya, kailangan nang mag let go at mag move on.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masaya ako na nakilala kita face to face. Mamimiss kita, pero I think its about time to let go!!!! Ingat ka ha?? Wag kana balik. Salamat nalang sa lahat. Move on na tayo! lels

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel