OFW na isang dekada na sa Qatar, taon-taong sinusupresa ng mababait na amo

OFW na isang dekada na sa Qatar, taon-taong sinusupresa ng mababait na amo

- Ibinahagi ng isang OFW ang kabutihan ng kanyang mga amo na sampung taon na niyang kasama sa Qatar

- Aniya, taon-taon siyang sinusurpresa ng mga ito sa tuwing magdiriwang siya ng kanyang kaarawan

- Napalapit na rin talaga sa kanya ang kanyang mga amo na pamilya na ang turing sa kanya

- Dahil dito, nakapagpundar na siya ng kanyang mga negosyo at napagtapos din niya ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid na mayroon na ring mga trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakabilib ang kwento ng overseas Filipino worker na si Jovelyn Castillon sa kung gaano kabuti ang kanyang mga amo sa Qatar.

Kwento ng 41-anyos na OFW, dahil sa kabutihan ng kanyang mga amo, tumagal siya ng sampung taon sa mga ito.

Pamilya na rin daw kasi ang turing sa kanya na at talagang nararamdaman niya ito.

Read also

OFW, masuwerte sa amo nitong ipinaghahanda pa siya ng pagkain

OFW na isang dekada na sa Qatar, taon-taong sinusupresa ng mababait na amo
Photo from Jovelyn Castillon
Source: UGC

Katunayan, sa isang dekadang pamamalagi niya rito, taon-taon daw siyang sinusurpresa ng mga amo sa kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, binibigyan din siya ng mga ito ng regalo na labis niyang ipinagpapasalamat.

Hindi rin gaanong ininda ni Jovelyn ang pandemya gayung tuloy-tuloy pa rin naman daw ang kanyang sahod.

Dahil sa kabutihan ng kanyang mga employer, napagtapos ni Jovelyn sa kolehiyo ang kanyang mga kapatid na mayroon na ring mga trabaho ngayon.

Nakapundar na rin siya ng printing business gayundin ang milk tea business na pinagtutulungan naman nilang magkakapatid.

Masasabing malaking bagay ang pag-a-abroad niya sa pag-aaral ng mga kapatid kumpara dati dati sa kita niya bilang isang sales clerk.

Payo niya sa kapwa niya OFW na patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa: "Habang may lakas pa, mag-ipon or magpundar na, di habang buhay maging katulong. Darating ang araw, uuwi din sa Pinas at least may source of income na"

Read also

Zeinab, ikinuwento ang tungkol sa namayapang kapatid na inspirasyon niya sa "arat na!"

Narito ang video ng aktwal na pag-surpresa kay Jovelyn ng kanyang mapagmahal na mga amo:

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.

Habang ang ilan, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica