Lolong namumuhay mag-isa, napadasal nang matanggap ang pera at bahay mula kay Raffy Tulfo

Lolong namumuhay mag-isa, napadasal nang matanggap ang pera at bahay mula kay Raffy Tulfo

- Talagang agad na napasambit ng dasal si Lolo Renato Olaso nang maiabot na sa kanya ang tulong pinansyal mula kay Raffy Tulfo

- Matatandaang isang concerned citizen ang nagmalasakit na ihingi ng tulong si Lolo Renato kay Tulfo

- Hindi naman siya binigo ng 'hari ng public service' at nagpaabot ng Php30,000 upang may pamuhunan ito sa paglalako ng gulay at panggastos

- Bukod pa rito ipinagpatayo pa siya ng maayos na tirahan ni Tulfo sa tulong na rin ng matalik na kaibigan ni Lolo Renato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na napasambit ng taimtim na dasal ang lolo na si Renato Olaso matapos na matanggap na ang tulong mula kay raffy Tulfo.

Matatandaang si Lolo Renato ang naglalako ng gulay at prutas sa gilid ng kalsada na inihingi ng tulong ng isang nagmalasakit sa kanya.

Read also

KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

Agad na nagtungo ang team ni Tulfo sa kinaroroonan ni Lolo Renato upang personal na iabot ang Php30,000.

Lolong namumuhay mag-isa, napadasal nang matanggap ang pera at bahay mula kay Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ipinamili na rin siya ng mga grocery items at ang labis na ikinatuwa pa ni Lolo Renato ay ang pagpapatayo ng maayos na tahanan para sa kanya ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan at may-ari ng lupa, napagpatayo ng maayos na tahanan si Lolo Renato na nais sanang matuluyan din ng mga anak sakaling bumalik ito sa kanila.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

RTIA staff, nagulat sa kabaitan ng lolo na tinulungan ni Tulfo

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Noong Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel