OFW na biglang tinawag na lang ng amo, inabutan pala ng nasa Php30,000

OFW na biglang tinawag na lang ng amo, inabutan pala ng nasa Php30,000

- Viral ngayon ang video ng isang OFW na inabutan ng nasa Php30,000 ng kanyang amo

- Makikita sa TikTok video na tinawag ng kanyang amo ang isang OFW

- Iyon pala, aabutan siya ng $600 o manumbas Php30,000 na labis na ipinagpasalamat ng ating kababayan

- Maraming netizens naman ang natuwa sa Pinay dahil sinuwerte ito sa kanyang amo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw eksena sa social media ang isang video kung saan makikita ang kabutihan ng isang amo sa kababayan nating overseas Filipino worker.

Nalaman ng KAMI na tinawag lamang ng amo ang Pinay na agad namang lumapit sa kanya.

Maya-maya pa'y dumukot na sa bulsa ang amo ng pera na nagkakahalaga raw umano ng $600.

OFW na biglang tinawag na lang ng amo, inabutan pala ng nasa Php30,000
OFW at ang kanyang mabait na employer (Photo from Pilipino sa Kuwait)
Source: Facebook

Ito ay dahil sa kabutihang ipinakita ng OFW at masaya ang amo sa pakikisamang ipinakita nito.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Talagang napayakap ang OFW sa kanyang amo bilang pasasalamat sa biyayang hindi niya inaasahang matanggap.

Maraming netizens ang natuwa para sa kababayan natin at hiling nila na sana'y lahat ng naging amo ng mga OFW ay ganito kabait sa kanila.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kapag maayos ang trabaho mo, tiyak na masusuklian din yun ng kabutihan."
"Sana lahat ng amo ganito. At sa mga kabayan naman natin abroad, sipagan pa natin para makita ng amo natin ang ating effort"
"Mukhang mabait at masayahin din kasi yung Pinay kaya naman natuwa sa kanya yung amo niya. Sana ganito nalang lahat ang nararanasan ng mga kapwa natin Pinoy abroad.
"Nakailang yakap si ate sa tuwa sa kanyang boss. So happy po for you ate"

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng Pilipino sa Kuwait Facebook Page:

Read also

Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure

Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na emosyonal nang makauwi sa Pilipinas at makita sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang ipinundar na bahay at iba pang mga ari-arian.

Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica