Delivery rider, desididong kasuhan ang TikTok couple na sinabihan siyang magnanakaw

Delivery rider, desididong kasuhan ang TikTok couple na sinabihan siyang magnanakaw

- Naiyak ang delivery rider nang dumulog sa Raffy Tulfo in Action kaugnay sa reklamo niya sa TikTok couple na sinabihan umano siyang magnanakaw

- Kulang daw ng lasagna ang nai-deliver ng rider at sa video na naibahagi ng TikTok couple, sinabihan nila itong magnanakaw

- Sa pangangalap ng RTIA ng impormasyon, lumalabas na inamin umano ng restaurant na sila ang nagkulang at hindi ang rider

- Iminungkahi ng RTIA na magharap muli sa barangay ang magkabilang panig ngunit sa labis na trauma na naidulot ng pangyayari sa rider, desidido na ito na sampahan ng kaso ang TikTok couple

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi na ng saklolo sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang delivery rider na si Arjuna Garialde kaugnay sa TikTok couple na sina Khyla Tuazon at Juma Matar.

Nalaman ng KAMI na sinabihan umano ng TikTok couple ang delivery rider na magnanakaw dahil sa kulang ang nai-deliver nitong pagkain sa kanila.

Read also

Viral na nagra-rap sa jeep para mamalimos at composer ng kinakanta niya, nagkita na

TikTok couple, sinabihang magnanakaw ang delivery rider; maaring humarap sa ilang kaso
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nagawa pang i-post umano nina Khyla at Juma ang video ng pag-aakusa nila sa rider na nagnakaw umano sa nawawalang lasagna.

Sa pangangalap ng impormasyon ng RTIA lumalabas na inamin ng restaurant na sila ang nagkulang at hindi ang delivery rider.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit sa kabila nito, nagawa pa rin na i-post ng TikToker ang video at sinabihan pa rin ang rider na 'magnanakaw.'

Ang masaklap, nalaman pa ito ng rider mula sa kanyang mga kasamahang nakilala siya sa video kahit hindi binanggit ang kanyang pangalan.

"Manghahamak lang kayo ng tao para sa views niyo at sa likes niyo," naluluhang sinabi ng rider.

Dahil dito, iminungkahi ni Atty. Sam Ferrer na muling pagharapin ang magkabilang panig sa barangay.

Subalit tila ayaw na ng rider gayung nagkaharap na sila ngunit ramdam nitong hindi bukal sa kalooban ng dalawa ang paghingi ng tawad sa kanya.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Pinag-isipan pa raw sila nito na baka may gawin siyang masama sa dalawang TikTok na nagtatanong ng proteksyon sa barangay.

Desidido na sanang kasuhan ng rider ang dalawa ngunit nakumbinsi pa ito ng RTIA na magharap muli sa barangay kasama ang isa sa kanilang staff.

Ayon pa kay Atty. Sam, hindi lamang isang kaso ang maaring isampa sa magkasintahan sakaling magdesisyon na talaga ang rider na sampahan ng mga ito ng kaso.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilala at batikang news anchor sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay ng agarang aksyon sa mga sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Nito lamang Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica