Dating beauty queen, isang proud na trans man na ngayon

Dating beauty queen, isang proud na trans man na ngayon

- Isa na ngayong transgender man ang dating sumasali sa mga beauty contest na si Gian

- Mula elementary hanggang sa "Mutya ng Bayan", sinalihan ni Gian dahil lamang sa kanyang ina

- Ngunit aniya, nasa elementary pa lamang siya'y alam niyang tila sa mga babae siya napapalingon

- Makalipas ang isang taon, halos hindi na siya makilala bilang Jehan dahil sa epekto ng testosterone na kanyang itinuturok sa sarili kaya naman mukha na talaga halos siyang lalake ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minsan nang nag-viral ang TikTok video ng trans man na si Gian dahil sa pagpapakita niya ng pagbabago sa kanyang itsura sa loob ng isang taon.

Dating beauty queen, isang proud na trans man na ngayon
Dating beauty queen, isang proud na trans man na ngayon
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na "Jehan" ang dating pangalan ni Gian na dati rin na sumasali sa mga beauty pageant.

Mula pagkabata, suki na siya ng mga pageant dahil sa pag-eengganyo sa kanya ng kanyang ina.

Read also

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

Naging muse siya ng Intramurals nila noong high school, muse ng basketball hanggang sa pagiging Mutya ng Bayan sinalihan na niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit iba talaga ang itinitibok ng kanyang puso. Pansin niyang nasa elementarya pa lamang siya, mas napapalingon na umano siya sa mga babae.

At noong Hulyo 30 ng taong 2020, nagdesisyon si Gian na magturok ng testosterone sa tuluyang pagbabago ng kanyang katawan.

"Hindi ko po akalain na maaabot ko siya. Hindi ko akalain na, isang araw, nandito na ko eto n'ako, andito sa katawan na gusto ko," pahayag ni Gian.

Samantala, payo ng ekperto, hindi lahat ng mga nagtuturok ng anumang kemikal sa sarili ay nagkakaroon ng magandang resulta kaya mainam na alamin ang tamang paggamit ng mga ito upang makaiwas sa anumang kapahamakan.

Read also

Ogie Diaz sa pagbura ni AJ Raval ng post sa socmed: "'Di rin makakatiis 'yan"

Narito ang kabuuan ng video mula sa GMA Public Affairs:

Kamakailan, naging kontrobersyal ang post ng Binibining Pilipinas na may caption na "naturaaaaal woman."

Ito ay nailabas matapos na manalo ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez na aminadong isang miyembro ng LGBTQ.

Agad itong inihingi ng tawad ng Binibining Pilipinas at agad din na binura ang post.

ilan sa mga netizens ang nagpahayag ng pagtanggap ng paghingi ng tawad ng organisasyon at pag-ako ng kanila umanong naging pagkakamali.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica