Mark Andrew Yulo: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"

Mark Andrew Yulo: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"

- Sinabi ni Mark Andrew Yulo na si Carlos Yulo at ang kasintahan nitong si Chloe San Jose ay hindi raw sumasagot sa kanyang mga tawag

- Matatandaang pinayuhan ni Mark si Carlos na humingi ng tawad sa kanyang ina na si Angelica Yulo

- Tumugon si Chloe San Jose at ipinaliwanag na ilang beses na silang nag-sorry at nag-ayos ng pakikipag-usap

- Wala pang pahayag si Carlos Yulo kaugnaysa palitan ng mga komento sa pagitan ng kanyang ama at kasintahan

Inakusahan ni Mark Andrew Yulo, ama ni Carlos Yulo, ang kanyang anak at ang kasintahan nitong si Chloe San Jose, na hindi sumasagot sa kanyang mga tawag.

Mark Andrew Yulo: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot" (Mark Andrew Yulo, Carlos Edriel Yulo, Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook)
Mark Andrew Yulo: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot" (Mark Andrew Yulo, Carlos Edriel Yulo, Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook)
Source: Facebook

Nauna nang pinayuhan ni Mark si Carlos na humingi ng tawad sa kanyang ina, si Angelica Yulo. Ayon kay Mark, makatutulong ang pagsasaayos ng relasyon nila ng ina sa pagpapaganda ng imahe ni Carlos sa publiko.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang komento ng ama ni Carlos Yulo

Masaya ako sa narating mo nak ☝️🥰 Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw ☝️🥰 para luminis yang imahen mo

Hindi naman pinalampas ni Chloe San Jose, kasintahan ni Carlos, ang nasabing komento at agad itong nagbahagi ng kanyang saloobin. Ayon kay Chloe, alam dw niyang hindi ang ama ni Carlos ang nag-comment.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa bago po siya mag-qualify sa Olympics last year."

Ibinahagi rin ni Chloe ang ilang mga kaganapan mula sa nakaraan na nagdulot umano ng alitan. “Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag-sorry ni Caloy at nag-try makipag-usap po sa inyong lahat, pero bakit po ganito?” Ngunit, binigyang-diin pa rin ni Chloe na napatawad na nila ang pamilya ni Carlos at patuloy silang nananalangin para sa kapayapaan at gabay.

Read also

Mark Andrew Yulo, nagkomento sa post ni Caloy: "Dapat mag sorry ka sa nanay mo"

Muling nagkomento si Mark Andrew Yulo sa komento ni Chloe, at inihayag ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagsagot ng magkasintahan sa kanyang mga tawag. Paulit-ulit niyang hinihimok sina Chloe at Carlos na tawagan siya upang maayos ang isyu at malinaw ang mga paratang laban sa ina ni Carlos.

Mark Andrew Yulo: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"
Mark Andrew Yulo: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"
Source: Facebook

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag si Carlos Yulo ukol sa palitan ng komento sa pagitan ng kanyang kasintahan at ng kanyang ama.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Read also

Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate