Ina ng Ateneo player humihingi ng katarungan sa nangyaring training

Ina ng Ateneo player humihingi ng katarungan sa nangyaring training

  • Nagpahayag ng matinding paghihinagpis si Rovelyn, ina ni Rene Baterbonia, matapos ang pagkasawi ng anak sa isang team activity ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora noong June 8, 2026
  • Ayon sa ina, marami siyang tanong na hindi pa nasasagot, kabilang ang dahilan kung bakit hindi agad nailigtas ang anak at kung bakit umano may nakakabit na mga pabigat sa braso at paa nito habang pinapalangoy
  • Sa panayam ng News5, emosyonal na sinabi ni Rovelyn na basketball ang anak niya at hindi swimming, kaya’t hindi niya lubos maunawaan kung bakit napunta ito sa dagat bilang bahagi ng training activity
  • Mariin niyang ipinahayag na ang pangarap ng kanyang anak ay biglang nawasak dahil sa nangyari, at nananawagan siya ngayon ng katarungan at isang buo at malalim na imbestigasyon mula sa mga awtoridad upang matiyak na hindi na mauulit ang ganitong uri ng insidente sa iba pang mga atleta na nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan sa larangan ng sports

Read also

Amerikano, dinakip sa Angeles dahil sa pambabastos umano sa estudyante at senior citizen

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Rovelyn, ina ng Ateneo Men’s Basketball Team player na si Rene Baterbonia, matapos ang pagkasawi ng kanyang anak sa isang team activity ng Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora nitong June 8, 2026. Ayon sa kanya, naiwan siyang may maraming tanong tungkol sa nangyari at nananawagan ng katarungan.

Ina ng Ateneo player humihingi ng katarungan sa nangyaring training
Ina ng Ateneo player humihingi ng katarungan sa nangyaring training (📷News5/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rovelyn na hindi niya maintindihan kung bakit hindi agad nailigtas ang anak at kung bakit umano may nakakabit na mga pabigat sa braso at paa nito habang pinapalangoy. “Isang saglit lang, ang pangarap ng aking anak winasak nila,” aniya. Dagdag pa niya, basketball ang anak niya at hindi swimming, kaya’t hindi niya lubos maisip kung bakit napunta ito sa dagat bilang bahagi ng training. “Kung sinabi lang nila, natanong ko [sana] sa anak ko, kaya mo ba ‘yun? Para madesisyunan namin. Hindi ko alam kung ba’t ganun ang nangyari,” dagdag pa niya.

Read also

Alitan sa loob ng bahay nauwi sa pagkamatay ng babae sa Cavite

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mariin niyang iginiit na ang nangyari ay hindi simpleng training activity kundi tila isang mabigat na pagsubok na hindi angkop para sa isang basketball team. “Akala ko training lang… hindi military training,” emosyonal niyang pahayag. Nanawagan siya ng isang masusing imbestigasyon upang malinawan ang tunay na nangyari at matiyak na hindi na mauulit ang ganitong uri ng insidente.

Si Rene Clert Baterbonia ay kilala bilang isa sa mga batang basketbolista na may malaking potensyal. Naging bahagi siya ng Davao Region team na nagwagi ng gintong medalya sa Palarong Pambansa 2025, kung saan siya ay itinanghal na Most Valuable Player. Ang kanyang husay sa basketball ang nagdala sa kanya sa Ateneo Blue Eagles, kung saan inaasahan siyang magiging mahalagang bahagi ng koponan.

Kaugnay ng insidente, iniulat ng Kami.com.ph ang opisyal na pahayag ng Ateneo De Manila University. Sa kanilang ulat, binigyang-diin ng unibersidad ang matinding kalungkutan ng komunidad at ang pangakong magbibigay ng suporta sa mga pamilya ng mga atleta.

Read also

Ser Geybin, pansamantalang magpapahinga matapos isugod sa ospital dahil sa health scare

Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph ang paunang ulat ng pulisya kaugnay ng insidente. Ayon sa kanilang report, naliligo umano ang mga atleta nang tangayin ng malakas na agos patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat, bago sila naisugod sa ospital at kalaunan ay binawian ng buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate